Kinantiyawan ni Regine… VICE AT ION, NAG-DONATE NG P.5 M PARA SA MGA BIKTIMA NI ODETTE
ni Nitz Miralles - @Bida | January 12, 2022

Kabilang sina Vice Ganda at Ion Perez sa mga nag-donate sa benefit concert series ng ABS-CBN para sa mga lubos na naapektuhan ng bagyong Odette. Si Regine Velasquez ang nag-open sa 10-night By Request concert and was streamed live sa official channels ng ABS-CBN sa YouTube, Kumu, at Facebook.
Kinol nina Vice at Ion ang biro ni Regine na mag-donate ng P100,000 ang Unkabogable Star pagkatapos kantahin ng Asia's Songbird ang request nitong Follow the Sun.
Nagulat si Regine nang i-announce na hindi lang P100,000 kundi P500,000 ang pledge ng dalawa na i-donate.
Different artists ang ipi-feature every night sa By Request na tatagal hanggang January 18. Ang proceeds sa concert ay mapupunta sa ABS-CBN Foundation na itutulong naman sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette.





Comments