- BULGAR
Kinampihan ng madlang pipol… ZEINAB, MAS SUMIKAT DAHIL SA HIWALAYAN NILA NI SKUSTA CLEE
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 10, 2022

Hindi lamang ang mga sikat na artista ang kinukuha ngayon upang maging product endorser. Ang mga sikat na vloggers at influencers ay mabenta na rin ngayon at kinukuha ng malalaking kumpanya upang mag-endorse ng kanilang mga produkto.
Tulad na lang ni Zeinab Harake na isang sikat na vlogger-influencer na may 50M followers sa iba't ibang platforms tulad ng Facebook, Instagram, Twitter, TikTok at YouTube.
Naging makulay din ang love life ni Zeinab at sinubaybayan ng marami ang kuwento ng paghihiwalay nila ni Skusta Clee (dating miyembro ng grupong Ex-Battallion). Marami ang nakisimpatya kay Zeinab Harake kaya lalo siyang sumikat sa social media.
At napansin din siya ng Beautederm CEO na si Rhea Anicoche-Tan. Kinuha siya bilang brand ambassador ng bago nilang produktong pang-oral care, ang Etré Clair mouthwash at Koreisu Whitening family toothpaste.
Masipag si Zeinab na i-promote ang oral care products ng Beautederm. Lagi niya itong binabanggit sa kanyang vlogs.