Kinabog lahat ng celebs… TIKTOK VIDEO NI VICE NG "PILIIN MO ANG PILIPINAS", 6.3 M VIEWS NA
- BULGAR

- May 12, 2024
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 12, 2024

Kinabog ni Vice Ganda ang ibang celebrities at TikTokers na kumasa sa Piliin Mo Ang Pilipinas trend.
Nag-post ng kanyang entry ang Unkabogable Star nitong nakaraang Friday, May 10 sa kanyang TikTok, Facebook and Instagram accounts.
“Lagi kitang pipiliin Pilipinas (Philippine flag),” ang caption ni Vice.
Ilang oras pa lang buhat nang i-post niya ito sa TikTok ay umabot na agad sa 1 million ang views nito.
‘Yun nga lang, naka-mute ang sound ng video ni Vice sa TikTok kaya naman nang umabot pa rin sa 1 million ang views nito ay labis ang kanyang pasasalamat.
“Million views agad agad on tiktok kahit na-mute ang sound. Okay lang na walang music ang mahalaga marinig ang mensahe. Tenkyoooooow Madlang People!!!!
#VGPiliinAngPilipinasChallenge,” tweet ni Meme Vice.
As we write ay nasa 6.3 million na ang views ng Piliin Mo Ang Pilipinas video ni Vice sa TikTok. Kasalukuyan din itong umaani ng katakot-takot na positibong reaksyon mula sa netizens lalo nga ang konsepto nito, kung saan ay ipinakita niya ang iba’t ibang social issues sa ‘Pinas na sa kabila ng mga problemang kinakaharap ng ating bansa, patuloy niya pa ring pipillin ang bayang sinilangan.




Comments