KIM, SHOCKED SA NABUKING NA PIKTYUR NI RICCI SA PHONE NI ANDREA
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 1, 2022

Nabuking ni Kim Chiu na ang wallpaper sa phone ni Andrea Brillantes ay ang larawan ng dyowang si Ricci Rivero showing his 6-pack abs.
Sa latest vlog kasi ni Kimmy na Phone Raid with Showtime Fam ay tiningnan niya ang mga phones ng mga kasamahan kung ano ang Top 3 Google search ng mga ito.
Nakasama si Andrea sa mga nakunan niya dahil may shoot daw silang dalawa that time.
Nagulat si Kim nang makita ang wallpaper sa phone ni Andrea.
“Grabe naman ‘yang wallpaper na ‘yan, sobrang pandesal naman,” sey ni Kim.
Natatawang sagot ni Andrea, “Para 'pag naiinis ako, titingnan ko lang ang abs ng dyowa ko.”
Hindi na ipinakita sa camera ang wallpaper, pero alam naman nating lahat na si Ricci ang dyowa ni Blythe (real name ni Andrea) ngayon.
Sey ni Kim, “Sobra naman ang abs ng dyowa mo. Ilan ‘yung abs? Bilangin nga natin. Napaka-OA.”
Binilang naman ni Andrea at umabot ito sa 6.
Reaksiyon ni Kim, “Napaka-OA po! Sobra po ‘yun!”
Anyway, nabuking din ni Kim na isa sa mga top searches ni Andrea ay “burn-out” kaya tinanong niya ang aktres kung burn-out na ba ito.
Sagot naman ni Andrea, “Ewan ko, inaalam ko nga, Ate Kimmy, kaya nga sine-search ko.”
Hahaha! Kuwela talaga itong si Andrea!





Comments