KIM, NO SHOW SA PREMIERE NG MOVIE NI XIAN
- BULGAR
- Apr 26, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | April 26, 2023

This Wednesday (April 26) na ang simula ng showing ng Viva Films movie na Sa Muli starring Xian Lim and Ryza Cenon.
After watching the movie sa premiere night, nagkaroon ng kani-kanyang point of view ang press kung paano sana tinapos ni Director Fifth Solomon ang pelikula.
Maganda ang ending ng Sa Muli at binigyan ng pag-asa ang mga karakter nina Xian at Ryza, pati na rin ang press na muli silang pagtatagpuin and they will still end up together.
Kaya lang, tumanda na ang karakter ni Ryza (played by Aurora Sevilla) habang nananatiling bata pa si Xian. Paano pa raw sila magkaka-fourth chance sa pag-ibig?!
Maganda ang pelikula that transcends several lifetimes na tungkol sa mga soul mates at reincarnation.
Parehong mahusay sina Xian at Ryza, lalo na si Ryza na consistent sa kanyang pagganap bilang si Aurora, si Belen at si Elly.
Magandang maging conversation piece ang pelikula, na ang description namin ay "Beautiful, sad love story."
Sa premiere night, sinuportahan si Ryza ng friend niyang si Chynna Ortaleza at si Fifth, suportado rin ng sister niyang si Chariz Solomon.
Walang mga loved ones na kasama si Xian even ang girlfriend na si Kim Chiu, pero keri naman niya 'yun. Ang mahalaga, maganda ang movie nila ni Ryza.





Comments