top of page
WINNER - KIM, KINASUHAN NA ANG ATE LAKAM NG QUALIFIED THEFTIG _chinitaprincess.jpg

KIM, NAWALAN NG P44 M, KINASUHAN NA ANG ATE LAKAM NG QUALIFIED THEFT

Writer: BULGAR
BULGAR
28 minutes ago
3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | September 10, 2026



WINNER - KIM, KINASUHAN NA ANG ATE LAKAM NG QUALIFIED THEFTIG _chinitaprincess

Photo: IG _chinitaprincess



Tuluyan nang kinasuhan ni Kim Chiu ng qualified theft ang kanyang kapatid na si Lakambini ‘Lakam’ Chiu.


Naaprubahan ng korte ang pag-akyat ng kanyang reklamo dahil umano sa hindi awtorisadong pag-withdraw at paglipat ng aabot sa P44.396 milyong pondo mula sa kanilang negosyong House of Little Bunny Philippines, Inc. (HOLB).


Batay sa resolusyon ng Quezon City (QC) Office of the City Prosecutor, nadiskubre ni Kim ang mga malalaking transaksiyon at nawawalang assets sa kanilang kumpanya na umabot sa 124 na hiwalay na withdrawals at online transfers.


Si Lakam daw ang nag-aayos at namamahala sa mga negosyo at financial matters ni Kim. Inabuso diumano ng ate niya ang tiwala at special access sa mga accounts.


Na-reveal din sa mga lumabas na dokumento ng paghahain ng aktres ng reklamo ang tungkol sa pagsisikap na maayos ang problema privately, pero hindi nagkaroon ng pagkakasundo ang magkapatid.


Nagsampa ng formal complaint si Kim laban kay Lakam sa Office of the Assistant City Prosecutor sa QC kasama ang kanyang mga abogado na sina Atty. Xylene Dolor at Atty. Archernar Gregana. Kasama rin ni Kim ang kanyang sister na si Twinkle at brother-in-law sa pagpa-file ng kaso.


Sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN sa abogado ni Kim na si Atty. Xylene, kinumpirma niya ang paghahain nila ng criminal case laban kay Lakam.


“We filed a criminal complaint for qualified theft. That’s all we can share for now,” sabi ni Atty. Dolor.


At kahit nag-reach out si Lakam at mga abogado niya kay Kim, naging firm ang desisyon ng It’s Showtime host na ituloy ang pagsasampa ng kaso.


Pahayag ng abogado ni Kim, “It has also been a statement of Miss Kim na it has been a very difficult decision for her to do this and to proceed with this step.


“As far as I know, I have been in one or two meetings, but I know there have been several times na they reached out to each other.”


Sa ngayon, nananatiling tahimik si Kim ukol dito. It seems “blood is not that thick” para sa magkapatid na Kim at Lakam.





JULIA, MAY PASABOG DAW, HINULAANG BUNTIS



BUNTIS daw si Julia Montes. ‘Yan ang hula ng isang netizen sa importanteng announcement ng aktres.


Sa latest Instagram (IG) post ni Julia ay may inilagay siya sa caption na: “Announcement SOON!”


Comment ng isang netizen, “She’s pregnant.”

Nag-react ang ibang IG followers ni Julia sa kuda ng netizen.


“For real, the lady is working on Sigabo, and you are here saying she is pregnant? Not at all.”


“It’s an endorsement, she has a new one.”


Very visible nga naman ang aktres sa action-series nila ni Coco Martin kung saan matitindi ang fight scenes na ginagawa niya. Saka kilig to the bones din ang mga eksena nina Coco at Julia bilang kunwaring mag-asawa sa naturang action-drama series.


Lalo pang kikiligin ang mga fans nina Coco at Julia sa mga susunod na episodes dahil mapapanood sina Gabo (Coco) at Sam (Julia) na sweet na nagsasayaw at nagpapalitan ng matatamis na ngiti sa birthday party ni Rudy (Joey Marquez), ang ama ni Gabo.


Hindi naman puro lambingan ang mangyayari, mauuwi sa mainit na angasan ang selebrasyon sa pagdating at panggugulo ng grupo ni Django (Jhong Hilario).

Hanggang kailan maitatago nina Gabo at Sam ang kanilang mga lihim? At ang kunwariang pagmamahalan ba nila ay mauuwi sa totohanan?


Huwag palampasin ang kilig at masasayang eksena sa Coco Martin’s Sigabo mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB), at iWant.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page