KIM, NAGPAGAWA NG DE-AIRCON NA ROOM PARA SA MGA MAMAHALING BAGS
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 28, 2022

Bonggacious din pala ang collection ng luxury bags ni Kim Chiu na naipon niya sa loob ng 15 years ng kanyang pag-aartista.
Hindi rin pala pahuhuli si Kim sa bag collection nina Heart Evangelista, Sharon Cuneta, Jinkee Pacquiao, Kris Aquino, Dra. Vicki Belo, Mariel Padilla atbp. top celebrities.
Napakaraming Hermes bags ni Kim na milyones ang halaga. Meron din siyang collection ng Louis Vuitton bags, Gucci, Chanel, Prada, YSL, Balenciaga at Coach.
Milyun-milyon na ang halaga ng bag collection ni Kim kaya nagpagawa na siya ng air-conditioned bag room. Karamihan sa Gucci bags ni Kim ay regalo sa kanya ni Dra. Vicki. May regalo rin ang BF niyang si Xian Lim. Ang iba naman ay bigay ng kanyang mga fans.
Hindi nagbebenta at nag-a-unload ng kanyang mga bags si Kim Chiu. May sentimental value raw sa kanya ang karamihan sa kanyang mga bags. In fact, may dalawa siyang LV bags na nabili niya noong nagsisimula pa lang siyang mag-artista.
Bale second-hand ito dahil hindi pa niya ma-afford ang bumili ng bagong original LV bag.
Hanggang ngayon ay ginagamit pa rin ni Kim ang kanyang lumang LV bags.





Comments