top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

KIM, KINABAHAN SA LOVE SCENES NILA NI PAULO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 3, 2023
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 03, 2023



Nagmarka agad sa first two episodes ng Linlang ang matinding bed and love scenes ni Kim Chiu kina Paulo Avelino at JM de Guzman.


Nagkaroon ng special screening/mediacon ang nasabing Kapamilya serye kahapon and we’d say ibang Kim talaga ang mapapanood dito. Ito na yata ang most daring scenes ng aktres na napanood namin sa kanyang buong career.


After the screening ay ito nga agad ang kinumusta kay Kim sa mediacon.


“Happy naman. Charot lang,” natatawa niyang sabi.


Aminado naman si Kim na talagang gusto niyang mag-grow bilang aktres but at the same time ay natatakot at kinakabahan siya.


Pero sinabihan daw siya ng direktor nilang si FM Reyes na magtiwala sa kanya at ganu’n nga ang ginawa niya.


“Kami ni direk, ngayon lang kami nagkatrabaho sa isang series, and then, 2nd day pa lang ng taping namin, ginawa namin ang eksenang ‘yun (bed scenes) ni Paulo.


“Aba, siyempre, sobrang tahimik siya na tao. First day pa lang, ‘Paano ko kaya siya kukuwentuhan?’ Tapos, ‘di naman siya natatawa sa ‘kin. Paano ‘to?


“Tapos, 2nd day, kinakabahan pa rin ako. Pero parang sige, A-game siya, so A-game rin ako,” kuwento ni Kim.


Nagpapasalamat naman siya kay Paulo sa pag-alalay na ginawa sa kanya.


“Nagpapasalamat ako sa kanya dahil pinapadali niya naman ‘yung mga bagay na kinakabahan ako. Every time na nag-i-step ako sa set namin, sobrang kabado talaga ‘ko, kasi hindi ko talaga ‘to forte at hindi ko talaga ‘to comfort zone, kaya hindi ako confident kung maayos ko ba siyang nagagawa at naide-deliver.


“Pero dahil sa direktor namin, Direk FMR, Direk Jojo (Saguin), and dahil sa mga co-actors ko na sobrang galing, naaangat naman nila ‘ko at natutulungan nila ako and ‘yun ang ipinagpapasalamat ko sa series na ‘to,” sey ni Kim.


Puring-puri naman ni Direk FM si Kim dahil seryoso raw talaga ang aktres sa craft niya dahil may notes pa ito kung saan ay isinusulat pa nito ang lahat ng movements nito sa story.


“And I’m so amazed. Superstar as she is, ganu’n siya ka-dedicated du’n sa trabaho niya,” papuri ni Direk FM.


Linlang will be available worldwide on Prime streaming app simula sa Oct. 5, 12 midnight. The series has 14 episodes and they will be dropping 2 episodes every week.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page