top of page
Search
  • BULGAR

Kim Jong Un, may regalong kotse mula kay Putin

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 20, 2024




SEOUL — Nakatanggap ng isang kotse ang pinuno ng North Korea na si Kim Jong Un, mula kay Pangulong Vladimir Putin ng Russia bilang personal na regalo.


Simula nang magtagpo sina Kim at Putin noong Setyembre, lumakas ang ugnayan ng dalawang bansa. Nangako silang pagbubutihin ang komunikasyon kahit na itinuturing na lumala ang ‘international isolation’ ng Russia dahil sa sigalot sa Ukraine at ng North Korea dahil sa nuclear program.


Ibinigay ng panig ng Russia ang kotse sa mga pangunahing tauhan ni Kim, ayon sa KCNA news agency.


Iniulat din na gawa sa Russia ang kotse ngunit hindi na ito inilarawan pa o kung paano ito ipinadala sa North Korea.


Pinaniniwalaang mahilig sa mga sasakyan si Kim at may malaking koleksyon siya ng mga mamahaling banyagang sasakyan na umano’y mga naipuslit.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page