KIM, IDINISPLEY NA ANG BAGONG RESTHOUSE NA WORTH P100 M!
- BULGAR
- Sep 11, 2023
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | September 11, 2023

Umabot na sa three million ang subscribers ng It’s Showtime host na si Kim Chiu sa YouTube.
At bilang pasasalamat sa kanyang 3M subscribers ay ipinakita na niya ang new addition sa kanyang house & lot properties.
Unang ipinasilip ni Kim ang bago niyang rest house when she posted some photos sa kanyang Instagram account.
Kahapon ay inilagay na niya as content ang house tour ng rest house niya sa kanyang YT channel.
Pahayag ni Kim, “As promised, itu-tour ko kayo sa aking rest house and iiikot ko na kayo sa aking safe place at dito ko talaga tsina-charge ang sarili ko.”
Ibig sabihin ni Kim sa pagtsa-charge niya sa sarili ay ang pagtakas sa gulo at ingay ng siyudad para magpahinga at lumanghap ng fresh air.
Ipinakita rin ni Kim sa kanyang vlog ang mga ni-renovate niya sa kanyang rest house gaya ng canopy sa labas ng bahay.
Pahayag pa ni Kim, "Sabi nga ng friend ko, never underestimate the power of your dreams.
And, isa ‘to sa mga dreams ko na magkaroon and I’m very happy na nandito na siya. Nae-experience ko na siya and nahahawakan ko na ‘yung isa sa mga pangarap ko sa buhay.”
Hindi na namin napanood ang buong vlog ni Kim ng pa-tour niya sa kanyang rest house dahil naghahabol kami sa aming column deadline, kaya hindi namin sure kung sa Baguio or sa Tagaytay ang location ng bagong property ni Kim.
Sa short video na napanood namin sa IG post ni Kim, never din niyang binanggit ang location ng kanyang bagong rest house.
Although, feeling namin, sa bandang Tagaytay lang ang bagong rest house ni Kim na may pa-swimming pool sa labas ng bahay.
Kung tatantiyahin, more or less P100 M ang halaga ng bagong rest house ni Kim Chiu.





Comments