top of page

Kim, ‘di isinama, hanggang like na lang sa photo ng aktor… PAULO, SOLONG NAG-JOGGING SA PARIS, FRANCE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 38 minutes ago
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | March 7, 2026



WINNER - PAULO, SOLONG NAG-JOGGING SA PARIS, FRANCE_IG _pauavelino

Photo: IG _pauavelino



Nagdadabog ang mga fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino dahil ‘di magkasamang nag-jogging sa Paris, France ang mga bida ng The Alibi ng ABS-CBN.

Mag-isa lang kasi si Paulo sa video na in-upload niya sa Instagram habang tumatakbo sa Sacré-Cœur. 


Caption ni Paulo, “Running past Sacré-Cœur like I'm chasing the last pain au chocolat in France. It was an uphill challenge. Changing my route next time.”


“Running with a very nice view is 100. Enjoy!”


“Thanks for this. We can see Paris as well through your eyes.”


“Enjoy Pau, ‘yan talaga gusto mong running, peaceful. Ingat, congrats sa new project mo. Excited kami as the The Alibi.”


Kita naman ang pag-like ni Kim sa IG post ni Paulo. Meaning, aprub kay Kim ang solo trip ni Paulo sa Paris.


“Okay, ang bilis nag-like nu’ng totoong boss. Enjoy Paris!” comment ng isang netizen. 

“Miss mo na ‘yung Chinita Princess na nag-like? Paki-heart na lang if yes,” sabi naman ng isa pa. 


“Ganyan sila basta hindi magkasama, lagi silang nag-a-update sa IG nila pareho.”

Pero bakit nga ba ‘di kasama ni Paulo si Kim sa Paris?


Sabi ng follower ni Paulo sa Instagram, “Ipinapakita n’ya po na wala siyang kasamang nagdya-jogging para sa mga selosang fans. Gets ka namin, Papi.”


Another tsika pa ay nagre-ready na si Paulo para sa susunod na project niya, but this time, ‘di na kasama si Kim. 


Kaya sigaw ng mga fans ay bigyan din ng solo project si Kim.

“UNFAIR FOR KIM CHIU NA IKINULONG SA LOVE TEAM. SOLO PROJECT FOR KIM CHIU.”


Pero may nagsabi rin na meron na raw solo project na nakaabang for Kim.

“Merong project si Kimmy without Pau daw, sabi ni Sir EJ. Kaya mag-a-undergo siya sa training next week.”

Ayun naman pala.



UMANI agad ng positibong reaksiyon mula sa mga netizens ang “first look” ng pictorial nina Coco Martin at Julia Montes para sa inaabangang Kapamilya primetime teleserye nilang Sigabo na mapapanood na ngayong Marso 16 (Lunes).


Ang astig ng pormahan ng CocoJul na parehong nakasuot ng leather jacket, may hawak na mga baril, at abot-langit ang mga ngiti. 


Ginulat din ni Coco ang mga fans sa kanyang bagong look na long hair, habang palaban din si Julia na nakasakay sa sports car. 


Sa ginanap na story conference ng serye, ibinahagi ni Coco na excited na siyang maghandog ng panibagong kuwento na tiyak na ikatutuwa ng pamilyang Pilipino. 

Iba’t ibang misyon ang mapapanood kada linggo na may halong aksiyon, comedy at romance kasama ang star-studded na cast.


“Pinaghandaan ko dito ‘yung creative. Sinigurado namin na iba at bago ‘yung kuwento. Para bago naman ‘yung maihahain natin sa mga manonood. Sa Batang Quiapo, pinalibutan ko talaga ‘yan ng dramatic and veteran actors. Ngayon, ibang kombinasyon naman. Gusto ko, papalibutan ko rito ‘yung mga comedian na actor,” sabi ng Primetime King.


Ipinagmamalaki naman ni Julia ang bago nilang palabas lalo na’t si Coco mismo ang nagbuo ng orihinal na konsepto ng serye.


“I’m proud to be part of the show. Excited ako and looking forward sa mangyayaring journey ng bawat isa rito sa show,” aniya.


Pagpapatuloy pa ng aktres, “Very proud ako kay Coco kasi this time, ito talaga ang dream ko for him. Original na ‘yung story niya na maaangkin niyang kanya talaga.”

Sabay-sabay tutukan ang Sigabo simula Marso 16 (Lunes), 8 PM sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, iWant, at Kapamilya Online Live. 


Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page