top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Kim, umaming type na type si Jericho

Writer: BULGAR
BULGAR
May 29, 2024
1 min read

ni Angela Fernando @News | May 28, 2024


Nagkaroon ng guesting ang singer-actress na si Kim Molina sa vlog ni Aiko Melendez kamakailan na ikinatuwa ng maraming netizens.


Sa episode, nausisa ni Aiko kung sino ang Top 3 ni Kim pagdating sa gustong makatrabaho at todo bigay naman sa pagsagot ang aktres na si Jericho Rosales ang bet niyang maka-work.


Sey ni Kim, alam naman daw ni Echo kung gaano niya ito ka-crush.


Biro pa nito, nag-work daw sa dyowa niyang si Jerald Napoles ang pagtawag niya ng kuya kaya “Kuya Echo” rin ang tawag niya sa iniidolong aktor.


Natawa naman si Aiko sa hirit ng aktres at benta rin sa madla ang kakulitan nito. Deserve nga raw ni Kim ang ibinigay na spotlight sa kanya sa vlog dahil very talented ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page