KIM, AMINADONG MALAKI ANG SAKRIPISYO SA KANYA NG UTOL
- BULGAR
- Jun 2, 2023
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | June 2, 2023

Overwhelmed si Kim Chiu sa ibinigay na pa-welcome ng Megasoft Hygienic Products, Inc. headed by their Vice-President Aileen Choi Go sa mediacon bilang kanilang bagong celebrity endorser for Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners.
Hindi raw kasi ine-expect ni Kim na ganu'n ka-bonggacious ang preparation na ginawa for her launch bilang kanilang endorser. Thankful din ang aktres dahil sa loob ng 17 taon niya sa showbiz ay marami pa ring mga produkto ang nagtitiwala sa kanya.
Ayon kay Kim, “Yeah, it’s been, ilang years na? Ang dami nang nangyayari sa show business.
Ang dami na ring mga bago. Ang daming mga artista. We live in a social media world kaya sobra pa rin akong nagpapasalamat na… social media world na tayo.
“Iba na ang mundo ngayon after pandemic. So, parang every time I get a new endorsement, natutuwa ako. Sobra akong naha-happy and I feel very blessed.”
Bagay na bagay kay Kim ang pagiging endorser ng Sisters at sa advertisement campaign nito na “I Love My Sisters,” ang aktres nga ang living testament para rito.
Pinatunayan ni Kim that she really loves her family, especially her eldest sister na si Lakambini Chiu o ang kanyang Ate Lakam nu’ng maospital ito kamakailan.
“That time ano, wala. Blangko. Nagkasakit pa ako. Hindi ko na alam ang lahat ng nangyari.
Ang baba na ng energy ko. Hindi ko na alam saan ako kumukuha ng lakas. Tambay na lang talaga ako sa Padre Pio church doon sa Libis. Wala, doon na lang ako buong araw, ganyan,” kuwento ni Kim.
Sabi ng aktres ay isang milagro raw para sa kanila ang paggaling ng kanyang kapatid, “Isa talaga siyang miracle. Another miracle sa buhay ko na nangyari talaga. ‘Yun, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Akala ko, wala na. So parang, natakot talaga ako. But with prayers, naging okay ang aking sister.”
Sobrang okay na nga ni Lakam ngayon na parang walang nangyari sa kanya. Feeling ni Kim, sa kanya rin humugot ng lakas si Lakam para gumaling agad.
“In a way, yeah. Siguro naman, as we’ve been with each other side by side. At saka, siya rin ‘yung nasa harapan ko, siya talaga ‘yung lakas ko. Left and right hand ko, parang ganu’n.
“Kaya nu’ng nangyari ‘yun, isang snap lang talaga, eh.
"Kaya kayo, alagaan ninyo ang health n’yo. Kapag alam n’yo na pagod kayo, matulog na kayo,” payo ni Kim sa media na nakausap niya.
Tinanong namin si Kim kung gaano kalaki ang kaya niyang isakripisyo for her sister.
“Ano, malaki ang isinakripisyo ng ate ko para sa akin. So, ganu’n din ako sa kanya.
Sasamahan ko siya hanggang sa pagtanda niya,” ngiti ng It’s Showtime host.
Anyway, bilang endorser ng Sisters, nagkuwento rin si Kim ng kanyang memorable experience kapag dinadatnan siya ng menstruation niya.
Nu’ng high school daw siya ay pinagbabaon si Kim ng kanyang lola ng tatlong ekstrang palda sa school, para raw kapag tinagusan ng dugo ang suot niya, hindi na niya kailangang umuwi ng bahay para magpalit.
But with the new style for durability and comfortability na ibinibigay ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners, no need na para magbaon ang mga estudyante ng extra skirt habang nasa school kapag may monthly period sila.





Comments