top of page
Anjo Yllana at TVJ - FB.jpg

Kilos-protesta ng INC sa EDSA, pinalagan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | July 1, 2026



Kilos-protesta ng INC sa EDSA, pinalagan

Photo: Nagkagirian ang mga raliyista at pulis, ilang sandali nang magsagawa ng kilos-protesta sa EDSA People Power Monument dahil sa kawalan ng permit at nagdulot din ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko ang surpresang rally sa bahagi ng EDSA kanto ng White Plains Avenue. (Jeff Tumbado)



Bawat karapatang konstitusyonal, kabilang ang karapatang magtipon, ay may kaakibat na pananagutan at paggalang sa batas.


Ito ang iginiit ni Dr. Jose Antonio Goitia kasunod ng malawakang rally sa EDSA na, ayon sa mga otoridad, ay isinagawa nang walang kinakailangang permit at nagdulot ng matinding abala sa mga motorista, manggagawa, estudyante, pasyente, rider, at maliliit na negosyante.


“Mahalaga ang karapatang magtipon nang mapayapa, ngunit hindi ito dapat magdulot ng hindi kinakailangang pasanin sa milyun-milyong Pilipinong nagtatrabaho, nag-aaral, bumibiyahe, at naghahanapbuhay,” ani Goitia.


Ayon sa kanya, ang permit ay hindi simpleng red tape kundi mekanismo upang magkaroon ng maayos na koordinasyon, seguridad, at pamamahala sa trapiko para maprotektahan ang kapakanan ng publiko.


Binigyang-diin din ni Goitia na ang due process ay karapatan ng bawat Pilipino at ang mga akusasyon ay dapat resolbahin ng hukuman batay sa ebidensya, hindi ng social media, pulitika, o opinyon ng publiko.


“Sa isang tunay na demokrasya, ang bawat karapatan ay may kaakibat na pananagutan,” ani Goitia.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page