top of page
Search

by Info @News | September 23, 2025



Matthew Lhuillier at Chie Filomeno - IG

Photo: Manila DRRMO BG / DILG



Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na isa umanong organized attack at hindi tunay na pagprotesta ang nangyaring riot sa Mendiola kasabay ng kilos-protesta laban sa korupsiyon nitong Linggo, Setyembre 21.


Ayon kay Remulla, binayaran daw ng P3,000 ang mga kabataang nasa 11-anyos pataas mula sa paligid ng Quiapo para sumali sa nangyaring riot.


“Mukhang lumalabas organized group… ang bayad nila sa mga bata ay 3,000 each. May mga videos pa kami na pinapakita nila mga pera nila at niyayabang sa social media,” ayon kay Remulla.


Dagdag pa niya, “Ang instruction [sa mga kabataan], kung kaya niyo umabot ng Palasyo, sunugin niyo. Ganoon lang.”


Gayunpaman, hindi umano sila puwedeng magturo basta-basta sa mastermind ng nasabing gulo.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 11, 2021


ree

Nagsagawa ng kilos-protesta sa Bonifacio Shrine ang ilang grupo para ipanawagan ang pagbabasura ng "no contact apprehension" policy sa Maynila.


Kabilang sa mga nagkasa ng protesta ay ang mga miyembro ng PISTON, Laban TNVS, Defend Jobs Philippines, Metro Manila Taxi Operators Association, Manibela at Bangon TNVS.


Dagdag-pasanin anila ang polisiya sa mga maliliit na driver at operator lalo na ngayong may pandemya.


Giit pa nila, ‘wag naman daw sanang magpatulad ng patakaran na siya ring papatay sa kanilang kabuhayan.


“Ang problema dito hindi mo na maipagtatanggol 'yung sarili mo dahil camera na 'yung kukuha sa'yo... Ang transport serbisyo rin, nagseserbisyo kami sa mamamayan, eh, ‘di dapat tulungan kami hindi dapat pahirapan ng local at national [government]," ani PISTON National President Modesto Floranda.


Nanawagan din sila na babaan ang halaga ng multa lalo na sa mga simpleng violation.


Nakikiusap din ang mga grupo kay Manila Mayor Isko Moreno na huwag na itong ipatupad.


Patuloy na umaasa ang mga transport group na pakikinggan ang kanilang mga hinaing.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | February 12, 2021



ree

Nagsasagawa ng kilos-protesta sa labas ng Kamuning Public Market sa Quezon City ang mga miyembro ng ilang youth organizations para ipanawagan ang ayuda, dagdag-sahod, at pagbaba ng presyo ng mga bilihin.


Bitbit ang kaldero, kawali at timba ay pumuwesto sila sa tapat ng palengke habang inihahayag ang mga nakasulat sa papel tulad ng:


“Serbisyo sa tao, ‘wag gawing negosyo.” “Sahod itaas! Presyo, ibaba!” “Presyo ng baboy, nakaka-highblood!”


“Ayuda para sa manininda at prodyuser, ipaglaban!” Bagama't nakasuot ng face mask at mayroong social distancing ay pilit pa rin silang pinaaalis at pinahihinto sa isinasagawang kilos-protesta ng mga namamahala sa nasabing lugar.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page