top of page
Search
  • BULGAR

Kilig na kilig pa rin sa ex-BF… HIRIT NI KC: PIOLO, BRAD PITT NG 'PINAS

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 28, 2020




May mga followers si KC Concepcion na kinikilig at tinutukso siya sa guwapo at machong chef na si Chef Jordan na naka-collab niya sa pagluluto sa kanyang online show.


Kamukha kasi ni Sam Milby si Chef Jordan at mukhang interesadong malaman ang ilang personal na bagay sa buhay-buhay ni KC. Tinatanong daw nito kung sino ba si Piolo Pascual sa buhay ng aktres.


Cute ang naging sagot ni KC na, "Piolo Pascual is a Filipino actor. He is the Brad Pitt of the Philippines.”


Kinilig ang mga fans nina KC at Piolo na hanggang ngayon ay umaasa na magkakabalikan pa ang dalawa.


Pero sa kanyang mga nakaraang interviews, ayaw ni KC na paasahin pa ang mga fans. Ayaw din niyang mag-expect ng anumam. Matagal na siyang naka-move-on. Isinara muna niya ang chapter ng kanyang love life. Ini-enjoy muna niya ang pag-aaral na magluto sa tulong ng ilang kaibigang celebrities.


Nakikipag-collab siya sa mga sanay na sa pagluluto. At nitong panahon ng quarantine ay may makabuluhang bagay siyang na-achieve.


Pangarap din naman ni KC na magkaroon ng sariling pamilya na makakasama niya sa kanyang buhay, pero ipinauubaya na niya sa panahon ang lahat. Bahala na raw si Lord kung may darating na special someone. Ayaw niyang magpa-pressure sa mga tao sa kanyang paligid.


Basta masaya siya sa total freedom na kanyang nararanasan ngayon. Bukod sa kanyang Kitchen Collabs show, busy din si KC sa kanyang duty bilang UN Ambassador ng World Food Program.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page