top of page
Search
  • BULGAR

Kilalanin si Ralph Recto bilang bagong Finance Chief

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | january 14, 2024


Congratulations to my kababayan, Batangas Rep. Ralph Recto sa kanyang appointment bilang bagong secretary ng Department of Finance (DOF).Perfect choice si Deputy Speaker Ralph as finance chief dahil sa kanyang malawak na karanasan bilang isang ekonomista, at sa kanyang di-matatawarang kontribusyon sa pagsasaayos ng pananalapi ng bansa bilang NEDA chief at mambabatas.Noong panahon niya sa Senado, siya ang aming naging go-to at numbers-genius guy pagdating sa budget, taxation at finance.


Napakalaking bagay ang kanyang exposure pagdating sa paglalatag ng fiscal policy ng pamahalaan at alam na niya ang pasikut-sikot ng budget ng bansa.


Kaya naman naniniwala ako na malaki ang maitutulong ng kanyang expertise sa finance and economics, at ang kanyang experience sa public administration para sa economic team ng administrasyon.


☻☻☻


Nanumpa siya nitong Biyernes sa Malacañang at dito inatasan siya ni Pangulong Bongbong Marcos na isulong ang maayos na pagbabayad ng buwis at epektibong paggasta sa koleksyon ng gobyerno.Nais din ng Pangulo na paigtingin ang anti-smuggling campaign ng gobyerno at habulin ang mga hindi nagbabayad ng buwis.


Samantala, nilinaw naman ni Secretary Recto na walang ipapatupad na bagong buwis sa kanyang pag-upo sa DOF.Aniya, mayroon nang mga exisiting revenue measures na pasado na sa Kongreso.Na-certify na ito as urgent ni P-BBM at nangako siyang makikipagtulungan sa Senado para maipasa ang mga ito sa lalong madaling panahon.


☻☻☻


Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Be Safe. Be Well. Be Nice! 

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page