ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 12, 2024
Nagsalita na si Bullet Jalosjos na isa sa mga kaibigan ni Dominic Roque. Matagal na raw nilang kakilala at kaibigan si Dominic, kaya hindi siya naniniwala na may karelasyon itong rich gay politician.
'Yung condo na tinitirhan ngayon ni Dominic ay inuupahan lamang ng actor, kaya natural lang na hindi sa kanya nakapangalan kundi sa tunay na may-ari.
At 'yung gasoline station nito, naging endorser siya nito dati kaya siya nabigyan ng franchise.
Hindi naman jobless si Dominic Roque. Kumikita naman ito kaya nakapagpundar ng negosyo.
May sariling kumpanya si Dominic, ang Blackpeak Media Productions na gumagawa ng audio-visual presentation ng anumang brand o event, tulad ng Lakbay Kalikasan.
Kaya hindi totoo na nakadepende lagi kay Bea Alonzo si Dominic sa mga gastusin nila sa kanilang mga travels abroad.
Sobrang dinamdam ni Dominic ang paghihiwalay nila ni Bea kaya ngayon ay hindi muna siya lumalabas. Sa kanyang condo lang siya nag-i-stay at dinadalaw ng kanyang pamilya.
Madalas din siyang kumustahin ng kanyang mga kaibigan upang damayan at bigyan ng moral support.
Well, sabi nga ng mga showbiz observers, pasasaan ba’t lalabas din kung alin ang totoo sa mga akusasyon kay Dominic Roque.
At kung hindi na nga sila magkakaroon ng second chance ni Bea Alonzo, tanggapin na lang ni Dominic. Panahon na ang gagawa ng paraan kung sila ni Bea ang nakatakda para sa isa't isa.
Commentaires