Kilabot daw talaga… IBINUKING NI PAULO: LAHAT NG MAGAGANDA SA TEATRO, DUMAAN KAY JC
- BULGAR

- Nov 30, 2020
- 2 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 30, 2020

“Naku, kilabot ‘yan ng teatro at kilabot ng stylist,” ang panlalaglag ni Paulo Avelino kay JC Santos sa Dirty Little Secrets episode 9 nitong Biyernes (Nobyembre 27) ng #AskAngelica, ang online show ni Angelica Panganiban.
Ang mga leading men niya sa teleseryeng Walang Hanggang Paalam na sina Zanjoe Marudo, Paulo at JC ang special guests ni Angelica, at kasama rin niya ang mga ka-TT (tropang totoo at tropang tanga) niyang sina Kean Cipriano at Viva Antonio.
Tinanong ni Angge si JC kung ano ang dirty little secrets nito noong wala pa siyang pamilya at si Paulo nga ang nambuking sa aktor.
Dagdag pa ni Pau, “Kilabot siya ng teatro kasi walang maganda (babae) sa teatro na hindi nakakakilala kay JC kasi dumadaan sa kanya lahat. Kilabot ng stylist kasi kilabot talaga siya.”
Tawang-tawa naman si JC habang ibinubuking siya ng co-actor niya sa Walang Hanggang Paalam, “Dito na tayo sa laglagan portion. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko sasagutin ‘yan.”
Hirit ulit ni Paulo, “’Wag mo nang sagutin kasi wala ka nang panalo rito.”
At dahil sa kadaldalan ni Emman (karakter ni Pau sa WHP) ay siya naman ang tinanong ni Angelica kung ano ang dirty little secrets niya.
“Ikaw, Pau, ang friendly mo sa social media, ‘di ba? Friendly ka sa Twitter, sumasagot ka sa fans, kahit sa totoong buhay, ganu’n ka. Mayroon bang nangyari na may isang fan na nagandahan ka, tapos magdi-DM (direct message) or halimbawang ‘yung fan na nag-DM sa ‘yo ay may ipinadalang something, tapos nagustuhan mo?”
“To be honest, Angge, hindi ko kaya kasi mas ano talaga ako, eh, mas (tinitingnan ko) personality kasi ako na person. So, kung okay ‘yung personality ng babae, baka puwede,” seryosong sagot ng aktor.
“May point din naman,” saad ng #AskAngelica host.
Samantala, ang take away ng aktres sa dirty little secrets, “Hindi masamang may itinatago tayo sa pagkatao natin, but we have to face it. Kailangan nating harapin kung ano ‘yung mga sikreto natin, kinakatakutan natin, kasi ‘yan ‘yung mga dark areas, ‘di ba?
“I-embrace, i-reveal ang kuwento natin sa mga taong nakakaintindi at mararamdaman mo rin na welcome ka rin na normal ka rin at hindi ka nagkamali na it happens, makakakuha ka ng mga grupo na ito rin ang pagkakamali nila at ito na rin ‘yung mga dapat nating iwasan para rin to better ourselves,” pahayag ng aktres.
And speaking of Walang Hanggang Paalam na umeere mula Lunes hanggang Biyernes sa A2Z channel sa digital at analog ng TV boxes, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment ay malapit nang mabisto ni Angelica as Celine ang pagkakasangkot ng kasintahan niyang si Anton (Zanjoe) sa kidnapping ng anak niya at ang ilegal na negosyo ng kanilang pamilya.





Comments