top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

“Kickback” sa Sinovac, pang-‘pork barrel scam’ ang istayl

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 21, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 21, 2021



KICKBACK SA SINOVAC, ESTILONG PORK BARREL SCAM—Ang isa pang palusot ni vaccine czar, ret Gen. Carlito Galvez, Jr. ay wala naman daw silang hahawakang pera sa pagbili ng bakuna dahil ang bayad ay dadaan sa bangko patungo sa Sinovac Biotech Ltd. kaya’t malabong magkaroon ng korupsiyon dito.


Wala nang patol sa mamamayan ang ganyang uri ng palusot kasi nabulgar noon na ang pork barrel funds ng mga ‘senatong’ at ‘tongresista’ ay hindi cash ang ibinigay kay pork barrel queen Janet Lim-Napoles kasi sa bangko idinaan ang bayad patungo sa mga NGOs (non-governmental organizations) nito (Napoles) at saka winithdraw at pagkaraan, ang kickback ay idiniliber ni pork barrel whistle-blower Benhur Luy sa mga “buwayang” pork barrel politicians, boom!


◘◘◘


ENGOT LANG ANG MANINIWALA SA PALUSOT NA WALANG OVERPRICED SA PAGBILI NG SINOVAC—Matapos mabulgar ang overpriced na Sinovac sa halagang P3, 629.50 gayung P650 lang pala ang tunay na presyo nito, ang palusot ng Duterte gov’t. ay sasabihin din naman daw nila sa publiko na P650 lang talaga ang halaga nito, at kaya lang nila hindi agad nasabi ay dahil sa non-disclosure agreement ng Pilipinas at China sa totoong presyo ng bakunang made in China.


Ang ganyang uri ng palusot, eh, engot ang lang maniniwala, period!


◘◘◘


PAGBASURA NI LORENZANA SA DND-UP ACCORD, “PANTAKIP” SA KICKBACK SA SINOVAC?—Habang pinuputakti ng batikos ang Duterte gov’t. sa nabulgar na overpriced sa presyo ng Sinovac, biglang umeksena si Defense Sec. Delfin Lorenzana, nang kanselahin ang 1989 DND-UP (University of the Philippines) Accord, na ang ibig sabihin, papasok na ang puwersa ng militar at pulisya sa alinmang lugar sa unibersidad para manghuli ng mga komunista.


Hindi kaya ang diskarteng ‘yan ni Lorenzana ay para lang sa UP na mabaling ang atensiyon ng publiko at hindi na sa kickback sa Sinovac? Period!


◘◘◘


SA WPS MARAMNG KOMUNISTA, HINDI SA UP—Kung totoong galit sa mga komunista ang tropa ni Lorenzana, hindi mga batang mag-aaral sa UP ang dapat nilang pagdiskitahan dahil hindi naman komunista ang mga Iskkolar ng Bayan, kundi mga aktibista.


Kung gusto talaga nina Lorenzana na makahuli ng mga komunista, sa WPS (West Philippine Sea) sila dapat magtungo kasi ang daming komunistang Chinese roon na nakasakay sa mga barko ng China na nagbabawal sa mga Pinoy na mangisda sa karagatang sakop ng Pilipinas, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page