top of page

Kesa sa BF na si Sam… MICHELLE, MAS TANGGAP NG FANS PARA KAY RHIAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 12, 2023
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | June 12, 2023



ree

Wala nang magtatanong kay Rhian Ramos sa estado ng relasyon nila ni Sam Verzosa dahil sa caption ng aktres sa ipinost niyang picture nila ng boyfriend.


Simpleng “Black together” ang isinulat ng Kapuso actress dahil pareho silang naka-black.


Puwede ring ‘play on words’ ang caption na sa halip na “Back together” ay ginawa niya itong “Black together”.


Very sweet ang posing ng dalawa sa naturang picture. Makikitang nakahawak si Sam sa bewang ni Rhian with matching holding hands pa.


Nag-comment si Sam sa post ng dyowang actress na, “Love u, boo!” at sinagot naman ito ni Rhian ng, “I wuv you, my boo.”


‘Katuwa lang dahil nag-react ang mga shippers nina Rhian at 2023 Miss Universe Philippines Michelle Dee na mas bagay sina Rhian at Michelle. Tanong pa ng isa, paano na raw si MMD o si "Wifey" na tawagan ng magkaibigan?


Naalala namin, walang nagtanong kay Rhian sa presscon ng Royal Blood tungkol sa kanila ng BF na si Sam at ang natanong ay tungkol kay Michelle.


Matured daw si MMD at hindi naaapektuhan sa mga bashing. ‘Yung mga pamba-bash na akala niya ay iiyakan nito ay hindi nangyari.


“So, I don’t feel bad for her,” sabi ni Rhian.


Komentari


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page