- BULGAR
Kesa raw maglokohan pa, Dominic… HIRIT NI BEA: KUNG ‘DI NA IN LOVE, MAGHIWALAY NA LANG!
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 6, 2022

Bonnga ang mga love advice ni Bea Alonzo sa kanyang girl talk YouTube vlog kung saan ay sinagot niya ang iba’t ibang problema sa puso ng kanyang mga female fans.
Tila sumasagot nga ang aktres base sa kanyang mga experience, tulad na lang sa tanong na “Ano ang gagawin kapag na-fall out of love ka na sa dyowa mo?”
“Naku, mahirap ‘yan, mahirap talaga ‘yan,” sey ni Bea.
“I guess, you have to be fair not only to your partner, but to yourself as well. Kung hindi ka na in love, I guess you have to be transparent, and tell your partner and dapat ibigay mo ‘yung respeto na nararapat doon sa kasama mo sa relasyon.
“Tell him or her to already end the relationship, kasi alam mo kung bakit? Ang nangyayari, kapag ang isang tao, wala nang feelings toward the other person in a relationship, doon puwedeng may pumasok na iba, and therefore, you will cheat pa,” mahabang payo ni Bea.
Dagdag pa niya, mas pangit tingnan kung hindi mo sasabihin ang totoo at pagkatapos ay magloloko ka lang.
“Kung sa tingin n’yo, it’s time to end the relationship because it’s not working anymore, it’s not bringing out the best in you, maybe you should sit down and talk to your partner about it, instead of fooling around and cheating. That would be ugly,” ani Bea.