Kesa mag-birthday party… WILLIE, MAMIMIGAY NG P100K ARAW-ARAW
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | January 21, 2022

Mahigit isang linggo na lamang at birthday na ng Wowowin host na si Willie Revillame.
Tulad sa kanyang mga nakaraang kaarawan, walang birthday party ang generous na TV host. Sa halip na siya ang bigyan ng regalo, siya ang magreregalo sa kanyang mga loyal viewers.
Plano ni Willie na mamigay ng P100 thousand araw-araw hanggang sa birthday niya sa Jan. 27. Gusto niyang idaan ito sa palarong Pera o Kahon.
Isang milyong piso ang kanyang inilaang budget upang ipamigay sa mga loyal viewers ng Wowowin/Tutok To Win.
Tiyak na maraming mapapasaya at matutulungan si Willie sa gagawin niyang birthday pasabog na tinawag niyang “Birthday ng Bayan”. Literal na babaha ng datung sa kaarawan ni Revillame!
Ayon na rin sa Wowowin host, hindi na niya kailangan ng magarbong birthday celebration. Mas magiging masaya siya kapag maraming natutulungan sa panahon ng pandemya.
Hindi mapapantayan ng anumang mamahaling regalo ang mga pasasalamat na natatanggap niya mula sa mga viewers ng Wowowin. At wala na siyang mahihiling pa kundi ang maging malusog, malakas at ligtas sa anumang sakit, ganu'n din ang kanyang mga mahal sa buhay.
Malaking blessing din na nakakasama niya ang kanyang mga anak.





Comments