top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kesa kay Kylie... PAOLO, MAS GUSTONG KAHALIKAN ANG KAPWA LALAKI

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 19, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | January 19, 2022




Parehong straight guy sina Paolo Gumabao at Vince Rillon, pero okay sa kanila ang kissing scene na ginawa nila sa pelikulang Sisid na idinirek ni Brillante Mendoza for Viva Films.


Aminado si Paolo na mas nadalian siyang kahalikan ang kapwa niya lalaki kesa sa leading lady niyang si Kylie Versoza. Naikuwento ito ng aktor sa nakaraang virtual mediacon ng Sisid.


“For me, mas komportable ako at mas nadadalian ako 'pag ang ka-kissing scene ko ay lalaki, kasi you don’t have to be that delicate. You can tell them right away na, ‘Uy, bro, okey lang ba na gawin ko ’to?’


“Mas challenging sa babae kasi you have to be more careful. Siyempre, sila ay babae. You want to do your best to respect them and not cross any lines. So, mas madali sa akin ang kissing scene sa lalaki. Mas carefree s’ya,” paliwanag ni Paolo.


May punto naman si Paolo na kailangan talagang maging maingat kapag babae ang kaeksena nang intimate lalo na kung may boyfriend na ito, dahil dapat ding isipin kung ano ang magiging reaksiyon ng BF o kung anupaman.


Isa pang factor kaya okay kay Paolo na si Vince ang ka-intimate scenes niya ay dahil close na sila at kapado na nila ang isa’t isa o nasasabi na nila ang mga bagay na gagawin nila base sa gustong mangyari ni Direk Brillante.


“Kami kasi ni Vince, pagdating na pagdating ko pa lang sa set, my first goal was to establish a relationship with him. And ako, sobrang na-appreciate ko rin si Vince kasi naramdaman ko rin na ’yun din ang goal n’ya, to establish a relationship with me para maganda ang mga eksena namin.

“So, first night pa lang namin nagkita ni Vince, sobrang close na namin agad. Next day, nagyayaan magkape. Sa sobrang close namin, wala nang problema ‘yung mga bed scenes,” kuwento ng aktor.


At sa mga maseselang eksenang ginawa ay talagang ginawa na nila ang lahat para hindi na ma-take two pa.


“Para na lang kaming naglalaro. Like, mag-uusap kami before the scene, tapos sasabihin n’ya lang sa akin, ‘Ano p’re? Sasagarin ko ’to, ha?’ ‘Ako rin, bro. Tara, sagarin natin para one take.’ Ganu’n kami mag-usap ni Vince kaya na-appreciate ko rin talaga si Vince rito,” say pa ni Paolo.


Ibinuking naman ng direktor na tila nakiliti raw si Vince sa kissing scene nila ni Paolo kasi nagkatawanan daw sila.


Paliwanag ng aktor, “Parang unang part pa lang naman ng take ‘yun. Medyo (makapal) kasi ‘yung bigote ko nu’n.


“'Pag kini-kiss ko s’ya sa leeg, kumikiskis ‘yung bigote ko. Tapos tumatawa si Vince. ‘Uy, p’re, wait lang. Nakakakiliti.’ Tapos po-position na lang ako sa ibang part para hindi s’ya makiliti.”


Napapangiti naman ang dalawang aktres na kasama sa Sisid na sina Kylie at Christine Bermas sa mga kuwento ni Paolo.


At base sa napanood naming trailer ng Sisid ay grabe nga ang dalawang aktor dahil hubad kung hubad at wala silang pakialam kung may ibang tao sa set. Biro pa ni Paolo ay mas type niya ang sumisid kaysa kumain at nagkatawanan na lang sila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page