top of page
WINNER - MOCHA, NAGSALITA NA SA KALAT NANG NABUNTIS NI SEN. ROBIN-IG _mochauson & _robinpa

Kesa kay Joshua… JULIA, MAS BAGAY DAW KAY BIANCA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | September 8, 2026



BIDA - JULIA, MAS BAGAY DAW KAY BIANCA-IG _starcinema

Photo: IG _starcinema



Opening day bukas ng Viva Films movie na Life After You (LAY), na bida sina Maricel Soriano at Bela Padilla. Sa direksiyon ni Marla Ancheta, sinasabing ang pelikula ang ‘Drama Movie Event of the Year’.


May post si Bela tungkol sa movie nila ni Maricel na ramdam ang saya nito. 

Sey ng aktres, “Kinda (kind of) chic to create a movie with beautiful women (and beautiful little girl) about how us ladies can achieve great things together in the midst of grief, anger, loss and just life continuing.”


Ang daming makaka-relate sa role nina Bela at Maricel na nag-alaga ng pamangkin at apo, pati sa dialogue ni Bela na pagod na pagod na siya at hindi niya hiningi na mag-alaga ng hindi naman niya anak. Tanong niya ay bakit siya ang nag-aalaga, at bakit siya lagi ang may problema.


Comment ng netizen na nakapanood ng trailer, “Ang daya naman! I feel that to my bones. Different story, same emotions” at “Us 2026.” 


May nag-comment pa ng “Akala ko, normal family drama lang, bigla akong pinaluha nang walang babala” at “Life After You is simple yet effectively heartfelt.”


Dagdag na pampaiyak ang theme song ng LAY na Habang May Buhay, na kinanta ni Donna Cruz at may version ni Jaya. Kaya tiyaking magdala ng panyo, tissue o kahit ano na pampahid sa luha na tutulo habang kayo ay nanonood.


Special offer ng Viva Films ang reduced ticket prices in cinemas. Sa SM Cinemas at Megaworld Cinemas, P275 lang ang tiket sa Metro Manila. Sa Sta. Lucia Mall, P150 ang tiket at sa Robinsons Movieworld (Galleria, Las Piñas at Metro East), may 45% off offer sa mga moviegoers.





NAGAAWAY-AWAY ang mga fans sa post ng Star Cinema ng publicity material ng Star Cinema at Star Studios movie na Always Yours, Never Mine (AYNM).


Magkakasama sa photos sina Julia Barretto, Joshua Garcia at Bianca Umali.

Showing na sa September 30, 2026 ang movie sa direction ni Cathy Garcia-


Sampana, pero may mga nagtatanong pa rin kung bakit kasama sa cast si Bianca? Bakit daw hindi kumuha ng aktres na Kapamilya talent, marami naman daw ang magagaling sa Star Magic. Producers at si direk Cathy ang makakasagot nito.


May nag-comment naman na kinikilig sila kina Bianca at Joshua at nakita nilang may chemistry ang dalawa. May nagbiro pa na mas bagay sina Julia at Bianca at kasunod nito, ginawang isyu kung sino ang mas maganda sa dalawang aktres.


Labanan daw ito ng face card at agad may dumepensa dahil mas tamang sabihin na parehong maganda sina Julia at Bianca, na they are two of the most beautiful actresses in the country at hindi na dapat nag-aaway ang mga fans.


Nag-agree lang ang mga fans na pare-parehong magagaling sina Julia, Joshua at Bianca at enough reason ito na panoorin ang pelikula sa una nilang pagsama-sama. May sumaway din sa mga nag-aaway at tama ang payo nito na sa halip na magpuksaan, suportahan nila ang movie.


Excited ang fans sa pagsama-sama ng tatlo at gusto na nilang malaman kung ano ang role ni Bianca sa Always Yours, Never Mine.





SUNUD-SUNOD ang release ng singles ni Debbie Lopez, hindi kami makahabol. Kababasa pa lang namin ng release ng Tindog, may kasunod na agad. Ang nabasa namin sa Facebook (FB) post niya, “We are eagerly waiting for the launch of Tindog. Thank you for the love & support—more inspiring music coming your way.”


Kasunod nito ang post na, “I’M READY. 4th SINGLE COMING SOON! Debbie Lopez Next Single Radiance Album. I am ready—are you? Good vibes only, pure light, bold heart, stepping into what’s meant to be. I’M READY, out soon!”


May post pa si Debbie na, “Whole September (30 Days) Theme: Rise, Strength, Hope & New Beginnings. Behind every song is a story—and Tindog carries so much heart. Debbie Lopez pours her soul into this one. Are you ready?”


Ang Tindog pa lang ang narinig namin, nagpa-sample si Debbie at emosyonal ito dahil based on personal experience ang song. Ini-record niya ito sa Cebuano, Tagalog at English.


Mapapakinggan ang two new songs niya sa major music streaming platforms.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page