top of page
Search
BULGAR

Kesa itulong sa mga binaha… JINKEE, WALANG MAPAGLAGYAN NG DATUNG, MALA-DEPT. STORE ANG BAHAY SA DAMI NG LABUBU

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Nov. 6, 2024



Photo: Jinkee Pacquiao - IG


Naku, aminiiin… bukod sa pagiging Marites nating mga Pilipino, isa talagang ugali natin ay mahilig tayong sumunod sa uso. 'Yung kung ano ang trending, kailangan join tayo d'yan at kesehodang maglustay ng datung, kahit hindi naman natin kailangan ay buy pa rin!


'Yun, eh, kung sobra-sobra ang cash natin at wala tayong mapaglagyan, tulad na lang ni Mrs. Jinkee Pacquiao, ang misis ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao.


Bukod kasi sa collection niya ng mga designer bags, shoes at clothes, aba'y isa rin pala si Jinkee sa mga nababaliw at nagko-collect ngayon ng usung-usong Labubu dolls.


Nadaanan namin sa Instagram ang mga recent posts ni Jinkee ng kanyang Labubu dolls collection.


Ay, grabe, mukhang kinabog niya sina Marian Rivera at Heart Evangelista sa dami ng Labubu dolls niya, ha?


Imagine, meron siyang mga Labubu dolls sa kanilang sofa sa sala (sana all, nakakaupo sa mamahaling sofa, char lang!), may mga naka-display sa cabinet na nakasuot pa ng damit na tatak-Chanel, Gucci at LV with matching bag pa, then may mga nakasabit din sa gilid ng malaking-malaking mirror nilang nakasandal sa wall.


Bukod pa riyan 'yung mga palawit sa bag ni Jinkee, ha?


Well, for sure, barya lang naman kay Jinkee 'yan kahit mala-department store na ang kanilang bahay ni Manny sa dami ng Labubu collection niya. 


Ang mahalaga naman, pera nila ang ipinambibili niya at 'di naman ninakaw sa bayan.

But wait, hindi ba't tatakbo si Jinkee sa 2025 midterm elections bilang nominee ng MPBL Partylist?


Para sa amin lang, ha, di mas maganda sanang ang ipino-post niya sa kanyang Instagram account ay 'yung pagdamay at pagtulong nila sa mga nabiktima ng bagyo at baha. 


Though dati pa naman ay may mga charity works na ang mag-asawa, mas convincing lang kasi para sa gustong maging public servant 'yung makita mong consistent ang pagtulong kesa 'yung kaiinggitan mo siya dahil tila naging status symbol na rin ang pagkokolekta ng Labubu dolls.


Sige siya, baka mamaya, mga "Labobong" botante lang ang bumoto sa kanya sa eleksiyon. Awww!


 

Mga bagong filmmakers, ginagastusan ng mayor… LIZA DIÑO, TODO-EFFORT PARA MAGING "HOLLYWOOD" ANG KYUSI 



Nakakabilib ang dedikasyon at effort ni dating Film Development Council of the Phils. Chairwoman Liza Diño na tulungang patuloy na mabuhay ang movie industry sa pamamagitan ng mga projects na makakapagpalawak ng reach ng mga Filipino filmmakers.


Nawala man si Chair Liza sa FDCP, hindi ito tumigil sa pag-iisip at pag-i-implement ng mga proyekto para sa ating local film industry, kaya bilang Executive Director ng Quezon City Film Commission (QCFC) at Managing Director of QCinema Project Market, lipad dito-lipad doon sa kung saan-saang bansa ang ganap ni Chair Liza para makipag-negotiate at makahanap ng mga investors na makikipag-co-produce sa mga filmmakers ng ating bansa.


Ang taba-taba rin ng utak niya sa pag-iisip ng mga proyektong makakatulong para sa mga local filmmakers para patuloy na sipaging mag-produce ng mga de-kalidad na pelikula na maipagmamalaki natin sa iba't ibang bansa at maging globally competitive.


Kaya sa pamamagitan ng QCinema Project Market na ipinagkatiwala sa kanya ni QC Mayor Joy Belmonte since 2023, ultimate goal ni Chair Liza na maging "Hollywood" ang Kyusi at kilalanin ang lungsod maging sa aspeto ng turismo kung makakagawa tayo ng maraming pelikula na maipapakita ang mga maipagmamalaki ng Quezon City.


Aminado si Chair Liza at ang kanyang team sa QCinema Project Market at maging ang mga bumubuo sa QCinema International Film Festival na taun-taon ay may inilalaang budget sa kanila ang QC government para makatulong nga sa ating film industry at the same time ay mai-promote rin ang lungsod upang makapang-engganyo ng mga foreign investors na makakatulong sa ating ekonomiya.


Kaya naman iniimbitahan din nilang suportahan ang QCinema International Film Festival na magsisimula na ngayong Nov. 6 hanggang 12 kung saan 55 full-length films at 22 short films ang puwedeng mapanood sa iba't ibang sinehan sa lungsod.


Mas marami nga namang makakapanood ay mas okay dahil may mababalik sa kaban ng bayan para magamit pa sa mga susunod na proyekto ng QCinema.


Samantala, para naman sa second year ng QCinema Project Market ni Chair Liza na magaganap from November 14 to 16, 2024, kasabay ng much-anticipated Asian Next Wave Film Forum and Creative Industries Day, these events offer filmmakers, directors, producers, and industry leaders unparalleled opportunities for collaboration, learning, and networking.


Kaya inaanyayahan ang lahat ng filmmakers na sumali at mag-submit ng kanilang story dahil sa pamamagitan ng QCinema Project Market, puwede nga silang makahanap ng mga sponsors na handang gumastos para i-produce ang kanilang pelikula.


Magkakaroon din ng awarding ang QPM na divided into ten categories, providing financial support and essential post-production services.


Three Filipino projects will receive the QPM-PH Co-Production Grant, with each project

awarded PHP 2,000,000. Meanwhile, the QPM-SEA Production Prize will grant PHP

1,000,000 to one outstanding Southeast Asian project and PHP 750,000 each to two others.


Post-production services also play a significant role in the prizes. The Mocha Chai Award

offers post-production support worth USD 50,000, while the Kongchak Studio Award provides USD 10,000 in sound post-production services at their studios in Cambodia. Color correction services are made available through the Central Digital Lab Award which grants two projects USD 10,000, and the Barebones Award, offering four color-correction grants of USD 14,000—two each for Filipino and Southeast Asian projects. The T6xBB Award also provides USD 14,000 worth of post-production services for one Filipino and one Southeast Asian project.


Bukod diyan, ang CMB Discovery Award offers equipment rental support of PHP 1,000,000 for one project and PHP 500,000 for another. 


Lastly, one project receives the Nathan Studios Development Prize of PHP 250,000, while the TAICCA Award gives a cash prize of USD 5,000.


The winners of the QPM awards will be announced on November 16, 2024.

And wait, there's more!


Sa November 15, QCFC will hold the Creative Industries Day, an immersive event

designed to foster collaboration across sectors in the creative economy. Kasama rito ang workshops, networking mixers, and roundtable discussions on film industry policies, international collaborations, and funding mechanisms, emphasizing local and international partnerships to foster the growth of Quezon City's local film industry.


Ang QC Film Commission (QCFC) naman ang magho-host ng Asian Next Wave Film Forum on November 16, 2024. This forum delves into the evolving landscape of Asian cinema, with panels and masterclasses focused on blending art-house and genre filmmaking, international co-productions, and the role of film festivals in elevating Asian stories.


So, 'wag nang magpapetiks-petiks, 'no! Galaw-galaw at mag-join na sa maraming opportunities na ino-offer ng QCinema Project Market!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page