Ibinuking ni Direk Bobot… BARBIE, LAGING MATAAS ANG ENERGY DAHIL KAY RICHARD
- BULGAR

- 2 hours ago
- 4 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 9, 2026

Photo: File / IG Barbie at Richard
“Natutuwa ako kay Barbie (Barbie Imperial) talaga dahil ‘yung energy n’ya, ‘di nagbabago,” ang pahayag ng veteran actor at direktor na si Direk Edgar ‘Bobot’ Mortiz sa preskon ng teleseryeng Blood vs. Duty (BVD) na ginanap sa Dolphy Theater kamakailan.
Napansin ni Direk Bobot ang pagiging sweet ng aktres sa set ng kanilang bagong teleserye.
Saad ni Direk Bobot habang natatawang nakatingin kay Barbie, “Sabi ko, ang tagal pa ba? Ano’ng oras na ba? ‘Darating po si Richard, direk. Darating na, tatawagan ko.’”
Dagdag pa ni Direk Bobot, “Natutuwa ako kay Barbie talaga dahil ‘yung energy n’ya, ‘di nagbabago. Maganda kay Barbie, ‘di s’ya napapagod. Alas-dos na ng madaling-araw, ‘di pa rin s’ya napapagod, kasi lilipat sa set namin si Richard. Maganda pala talaga ‘pag gagawa ka ng project, alam mo na excited sila magkita ni Richard.”
Sa panayam, tinanong si Barbie kung ano ang masasabi niya sa pahayag ni Direk Bobot.
Sey ni Barbie na may kasamang magandang ngiti, “Mataas naman talaga ang energy ko sa lahat, palagi.”
Sey naman ng guwapong aktor na si Richard, “Minsan napapataas ko ‘yung energy n’ya, minsan blood pressure.”
Well, sa taglay na karisma ni Richard Gutierrez, sino ba naman ang hindi tataas ang energy. ‘Di ba naman, my dear friend, Jun Lalin?
NAPAG-USAPAN sa YouTube (YT) channel na House of D (HOD) nina Dina Bonnevie, Danica Sotto-Pingris, Marc Pingris, Kristine Hermosa-Sotto at Oyo Sotto ang kahalagahan ng tamang oras ng pagtulog nang mag-guest ang sleep and burnout
specialist na si Dina Salonga.
Saad ni Ms. Dina Salonga kay Danica, “‘Yung nanay mo (Dina Bonnevie), 3:00 AM daw natutulog, eh.”
Wika naman ni Dina Bonnevie, “Ayoko na nga. Nakakapangit.”
Parang hindi naman naapektuhan ang ganda ng mother dearest nina Oyo at
Danica dahil until now, beauty pa rin siya.
Saad pa ni Dina Salonga, “Alam mo, Dina, sa tingin ko, ito ay carry over sa panahon na very active ka pa sa showbiz. Na ‘yung very irregular din ang oras mo ru’n. Nagte-taping kayo nang hanggang madaling-araw.”
Wika naman ni Dina Bonnevie, “Pero ngayon, thanks to the Eddie Garcia Law, ‘di naman ako masyadong pinupuyat. Pero ‘pag minsan, inabot nang 3 AM, wala na kahit dumating ako sa bahay, ‘di na talaga ako makatulog.”
Samantala, dahil sa nabanggit ni Dina at nagpasalamat pa siya sa Eddie Garcia Law, hindi pinalagpas ng aktor na si Sen. Robin Padilla na pasalamatan si Dina dahil sa pagkilala at pagpapahalaga sa batas.
Ang Eddie Garcia Law (Republic Act No. 11996) ay isang batas sa Pilipinas na naglalayong protektahan ang kaligtasan, karapatan, at kapakanan ng mga manggagawa sa industriya ng pelikula, telebisyon at entertainment. Isinabatas ito kasunod ng pagkamatay ng beteranong aktor na si Eddie Garcia noong 2019 upang siguraduhing ligtas ang working conditions at patas ang trato sa mga artista at crew.
“EVERY child deserves to feel safe, heard, and protected,” ang pahayag ng aktres na si Yasmien Kurdi sa kanyang social media post.
Saad ni Yasmien, “We are deeply grateful to Atty. Ade, Atty. Paeng, Atty. Rej, and Atty. Jojo for their unwavering support and guidance to our family. And to all my professors in law school, thank you for your advice and guidance. We would also like to extend our sincere thanks to DepEd Secretary @sonnyangara, Mrs. Tootsie Angara, and Ms. Fatima for their support and concern.
“Last year, upon @ayeshazarasoldevilla’s request, we formally filed our complaint with @depedphilippines with complete and factual evidence. As her parents, we will always stand by her and protect her. This is not just about one child, it is about accountability!
“Under the Anti-Bullying Act (R.A. 10627), schools are required to act, and when they fail, DepEd has the authority to investigate and impose sanctions. Thank you, DepEd, for listening to Ayesha and prioritizing the welfare of victims. Parents and kids, SPEAK UP! If schools do not act, you have the right to elevate your concerns: TeleSafe Hotline: 33733 (SMART/PLDT), Email: weprotectlearners@deped.gov.ph, Telephone numbers: 8638-1782 / 8632-1372. Every child deserves to feel safe, heard, and protected.”
Korek ka r’yan, Yasmien Kurdi. Say no to bullying.
HANDA nang gumawa ng kasaysayan ang girl group ng ABS-CBN na BINI sa Coachella Valley Music and Arts Festival para sa kanilang inaabangang performance ngayong Sabado (Abril 11), 7:15 AM PHT, na isang malaking milestone para sa musikang Pilipino sa world stage.
Maaaring magbigay ng suporta ang mga Pilipino sa BINI sa panonood nang libre sa Coachella YouTube (YT) channel. Hanapin lang ang Mojave Stage livestream.
Ibibida nina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena ang OPM sa isa sa pinakamalaking music festivals sa buong mundo, na magaganap nang live sa Indio, California.
Nakatakda naman ang ikalawa nilang performance sa umaga ng April 18 (PHT).
Susundan ng Coachella debut ng grupo ang paglunsad ng kanilang Signals EP, na magaganap na ngayong Huwebes (Abril 9), 9 PM PHT.
Nakapaloob dito ang anim na kanta, kasama ang mga inaabangang Blush, Tic Tac Toe, Sugar Rush, at Step Back, at ang mga nauna nang inilabas na Unang Kilig at Honey Honey na umani na nang milyun-milyong streams sa Spotify.
Pagkatapos naman ng kanilang Coachella performance, magiging bahagi ang BINI ng Global Spin Live ng GRAMMY Museum sa Abril 21.
‘Yun lang, and I thank you.




Comments