top of page
Search
BULGAR

Kering bumili ng milyones na bags, pero… MARIAN, NANGUTANG PARA MAKABILI NG IPAD AT CELLPHONE

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Oct. 26, 2024



Photo: Marian Rivera / Home Credit - Instagram


For sure ay maraming hindi maniniwala at magtataas ng kilay sa 10th floor na kahit ang isang Primetime Queen na si Marian Rivera, nangungutang din pala!


But yes, it's true, at 'yan ang inamin ni Marian kahapon sa renewal of contract niya with Home Credit, kung saan pumirma siya ng another 2 years as ambassadress ng country’s leading consumer finance company na nagse-celebrate na ngayon ng 11th year with 11 million customers na rin!


Paliwanag ni Marian kung bakit kailangan pa niyang mangutang sa Home Credit gayung kayang-kaya naman niyang bumili nang cash ng anumang magustuhan niya, "Sabi ko naman, hindi ko ieendorso kung 'di ko nasubukan talaga."


Dagdag pa niya, "Eh, bakit naman hindi? Why not? Paano naman 'yung mga mahal ko sa buhay? Paano nila malalaman na puwedeng gamitin ito kung 'di ko sasabihin at hindi ko susubukan?


"Kung sarili ko lang ang iniisip ko, hindi ko ieendorso si Home Credit. Pero bilang marami akong mahal sa buhay at ine-extend ko 'yan sa inyo, gagawin ko 'yan dahil ang tiwala ko sa Home Credit ay 100%," sagot ni Marian, na kahit ang Chief Marketing Officer na si Ms. Sheila Paul ay napapalakpak sa bilib sa galing magsalita ng aktres.


Biniro namin si Yan kung hanggang magkano ba ang puwedeng i-loan sa Home Credit at puwede kayang ibili ng milyones na bag ng Primetime Queen?


Natawa sina Marian at Ms. Sheila at maging ang HCPH Business Development Officer na si Mr. Zdenek Jankovsky na katabi ng aktres sa mediacon.


Pabirong sagot din ni Ms. Sheila, "Hindi po namin kaya 'yung bag ni Marian Rivera."

Pero ang good news sa paliwanag ng Home Credit Chief Marketing Officer, kahit nagsisimula sa maliit ang puwedeng i-loan, 'pag maganda naman daw ang performance ng nangungutang, puwedeng lumaki nang lumaki ang hinihiram.


Kaya nga ang misis ni Dingdong Dantes, dahil good payer, aba, nakapag-loan pala ng iPad at cellphone para sa kanyang pretty dyunakis na si Zia, bukod pa 'yung mga needs ng mga kasambahay niya, ha?


So bongga naman! 


Basta ang payo lang ni Marian sa mga mahilig mangutang, know your priorities at dapat marunong magbayad para 'di malubog sa utang, 'no?!


 

Baguhan ang pambato sa Maynila… PBBM, INILAGLAG SINA HONEY, ISKO AT SAM SA 2025 ELECTIONS


Photo: PBBM, Mahra Tamondong, Isko Moreno, Sam Verzosa at Honey Lacuna - FB


NA-MEET namin recently ang isa sa mga aspiring mayors ng Manila na si Super Mahra Tamondong.


Siyempre, ang tanong ng lahat sa kanya, saan siya humuhugot ng lakas ng loob para banggain ang mga big personalities at pader nang sina incumbent Mayor Honey Lacuna, ex-Manila Mayor Isko Moreno, Tutok to Win Partylist Rep. Sam Verzosa at maging ang magaling at sikat na aktor na si Raymond Bagatsing na pare-parehong naghahangad na mamuno at maging ina/ama ng lungsod.


Sagot ni Super Mahra, hindi raw siya natatakot sa mga babanggain niya dahil naniniwala siyang ang pagtulong niya sa mga senior citizens ang magdadala sa kanya sa pangarap niyang mahalal bilang alkalde.


At sa tanong namin kung may background ba siya sa pulitika or kung nag-aral ba siya ng batas para sa kanyang posisyong inaasinta, ang sagot ng pambato ng KBL (Kapisanan ng Bagong Lipunan), kahit naman daw ang ilang artista at kandidatong tumatakbo, marami ring walang alam sa batas dahil ang mas mahalaga ay ang malasakit nila sa kanilang mga nasasakupan.


At confident si Super Marah na may laban siya dahil dinadala nga raw siya ng partido ni Pangulong Bongbong Marcos.


Hmmm… Bakit nga kaya isang baguhan na never pa namang nahalal sa anumang posisyon sa gobyerno ang sinusuportahan ni PBBM at hindi ang mga kilala nang personalidad na sina Mayor Honey, Isko at Sam?


Well, ang mga taga-Maynila na lang siguro ang makakasagot niyan.

Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page