KEN, PROUD NA MAY 2 GASOLINE STATIONS NA

ni Nitz Miralles - @Bida | November 30, 2020

Tuwang-tuwa ang mga kaibigan ni Ken Chan dahil sa kasipagan ng Kapuso actor, magkakaroon na siya ng two franchise branches ng iFuel gasoline station sa Baliuag, Bulacan at San Fernando, Pampanga.
Ipinost ni Ken ang construction ng isa sa gasoline station at ang sabi, “In process of completing some long time goals of mine. Just visited two of my iFuel Gasoline Station branches. Can’t wait to show you my three new branches in the works. Stay tuned to find out in which cities. Maraming-maraming salamat, Ama!”
Maraming plano si Ken sa branches niya ng iFuel, “Hindi na rin ako makapaghintay sa pharmacy, convenience store, coffee shop and restaurants na ilalagay natin na for sure, magugustuhan at makakatulong sa mga customers natin @kris_official2020.”
Ang itinag ni Ken ay si Krizzia Ann Loyang Tanabe na president at CEO ng iFranchise na owner ng iFuel.
Anyway, lalo nitong sisipagin si Ken sa pagpasok niya sa gasoline station business. Idagdag pa na maganda ang takbo ng kanyang career, may All-Out Sundays siya at The Clash at magbibida sa upcoming series ng GMA-7 na Ang Dalawang Ikaw with Rita Daniela.
May pelikula rin sila ni Rita, ang Huling Ulan sa Tag-Araw sa direction ni Louie Ignacio at produced ng Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista.





Comments