KEN, NAG-ENJOY, NAGPARAMDAM NA KUNIN ULI NG IT'S SHOWTIME
ni Julie Bonifacio @Winner | July 31, 2023

Nag-trending ang pagge-guest ng dalawang Kapuso stars na sina Ken Chan at Julie Anne San Jose sa It’s Showtime na napanood sa A2Z at GTV channels last Saturday, July 29.
Nag-perform si Ken sa opening ng It’s Showtime, habang si Julie Anne naman ay ipinakilala bilang isa sa mga Tawag ng Tanghalan jurors sa nasabing noontime show.
Kinilig ang madlang pipol sa sinabi ni Ken sa mga hosts ng It’s Showtime after his performance.
Say ni Ken, “Sana, hindi ito ‘yung una’t huli. Sana, magkaroon pa ng mga susunod.”
Lalo pang na-excite ang madlang pipol sa sinabi ng Kapuso actor na looking forward siya na mabigyan ng chance na makatrabaho ang aktres at isa sa mga hosts ng It’s Showtime na si Kim Chiu.
Si Julie Anne naman ay pangalawang beses na niyang lumabas sa nasabing noontime show.
Bulalas ng singer-actress, “Sobrang masaya ako at nakabalik ako rito sa Showtime bilang hurado naman.”
Naging prangka rin si Julie Anne sa pagiging strict as a judge. Paliwanag niya, “Simple lang naman ‘yung hinahanap ko, someone who is versatile. Siyempre, pagka-performer ka, iba-ibang genre ang ipapakanta sa ‘yo. Kailangan din na palaging nag-aaral ng kanta, importante ‘yun.”
Napapanood din ang It’s Showtime sa Kapamilya Channel, pati na rin sa Kapamilya Online Live.





Comments