top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

KEN, HAPI NA NAILABAS NA ANG MATAGAL NANG KINIKIMKIM

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 23, 2023
1 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | April 23, 2023




Isang mapangahas na desisyon ang ginawa ni Ken Chan sa pagtanggap niya ng role sa bagong pelikula ni Direk Louie Ignacio, ang Papa Mascot.


Malayo kasi sa ipino-project na imahe niya sa telebisyon ang karakter niya sa Papa Mascot na ipapalabas sa mga sinehan sa April 26, Miyerkules.


Ayon kay Ken, “Lingid po sa kaalaman ng lahat na talagang pagdating po sa TV, may mga limitasyon po, (tulad ng) paggamit ng mga bad words, ang paggamit ng sigarilyo. Ahhh…


talagang hindi po natin 'yan maipapakita sa TV.


“Pero nagkaroon po ako ng kalayaan bilang isang aktor na maipakita 'yung matagal ko nang kinikimkim bilang isang aktor. At nailabas ko po rito sa pelikula na Papa Mascot.


“Isang materyal na kung saan matagal ko nang pinapangarap at ipinagdarasal na magkaroon. At tinupad po 'yun ng Wide International Film, ni Direk Louie Ignacio, at siyempre, ni Lord.”



Second film na ito ni Ken na idinirek ni Louie Ignacio. Nauna 'yung MMFF 2021 entry nila ni Rita Daniela na Huling Ulan sa Tag-araw.


Tiniyak naman ni Ken na isasali ni Direk Louie ang Papa Mascot sa mga international film festivals.


“'Yun po, excited din po kami na mapanood siya hindi lang po rito sa Pilipinas kundi pati na rin po ng mga kababayan nating OFWs at mga kababayan po nating nasa ibang bansa,” sabi pa ni Ken sa ginanap na red carpet premiere ng Papa Mascot recently.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page