top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Kelvin, naabuso sa edad na 8

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 1, 2024
1 min read

ni Angela Fernando @News | June 1, 2024




Nag-guest ang aktor na si Kelvin Miranda sa YouTube channel ni Toni Gonzaga na “Toni Talks” at ibinahagi ang kanyang buhay bago mag-artista.


Pagbabahagi ni Kelvin, nag-umpisa siyang tumanggap ng mga supporting roles dahil hindi siya bilib na kaya niyang gampanan ang mga main character roles ngunit kinumbinse raw siya ng kanyang kapatid at ina.


Sa mga ginampanan niyang roles, may nag-trigger daw talaga sa kanyang Bipolar Disorder Type 1, at 'yun ang pagiging perfectionist na chef sa palabas na “The Lost Recipe.”


Nadala raw niya sa kanilang tahanan ang kanyang role at doon na sumangguni sa professional help ng psychologist.


Sey ni Kelvin, rooted daw sa pinagdaanan niya nu'ng siya'y bata pa ang kanyang bipolarity at Posttraumatic Stress Disorder (PTSD) at inaming naabuso siya nu'n.


Siya raw ay 8 or 9-anyos nu'ng nangyari ang pang-aabuso kaya kinailangan niyang mag-reground at balikan ang mga tao at lugar na nakasalamuha niya dati.


Hinangaan ng madla ang naging matapang at emosyonal na pag-amin ni Kelvin at ang pagharap niya sa kanyang mga mental health issues na “taboo” pa rin para sa iba.

2 Comments


Barry Allen
Barry Allen
Oct 27, 2025

Grabe yung pinagdaanan ni Kelvin! Ang tapang niya to share his story. I hope he's doing better now. Medyo off topic pero looking forward ako sa Seven Knights Rebirth codes para sa game! Sana may bago.

Like

PatrickRAllen
Dec 25, 2024

Exploring new environments in Poppy Playtime Chapter 3 is always thrilling. The scenery and sound design are truly amazing!

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page