top of page

KC, LAKING-LOLA KAYA 'DI CLOSE KAY SHARON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 18, 2023
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 18, 2023




Marami ang nakasubaybay sa career noon ni Sharon Cuneta. Maaga siyang nagpakasal kay Gabby Concepcion at nagkaroon ng anak, si KC.


Halos kabi-build-up pa lang kay Sharon Cuneta ng Viva Films noon at pinasisikat siya bilang singer-recording artist-actress. May mga shows at concerts abroad na rin siya that time.


Nu'ng nagkahiwalay sina Sharon at Gabby, nag-focus nang husto sa kanyang showbiz career si Shawie. Dito niya ibinuhos ang kanyang panahon upang mas lumaki ang kanyang pangalan.


Naging sobrang abala noon sa kanyang career ang Megastar. At ang anak niyang si Kassandra Cristina (KC) ay sa poder ni Mommy Elaine Cuneta lumaki. Kaya, ganu'n na lang kalapit si KC sa kanyang Mamita Elaine.


Mula pagkabata hanggang sa naging teenager si KC ay si Mommy Elaine ang kasa-kasama niya. Kaya naman, hindi masisisi kung mas naging close si KC sa kanyang lola kesa sa kanyang ina.


At dahil si Gabby Concepcion ang kanyang tunay na ama na naka-bonding din naman niya kahit paano nu'ng maliit pa siya, natural lang na mas maging malapit siya rito kesa sa stepdad niyang si Sen. Kiko Pangilinan.


Sa sitwasyon ngayon ng mag-inang KC at Sharon, may ilang parents na nagmamalasakit ang nagbigay ng advise kay Mega. Huwag na raw sana niyang isapubliko pa ang mga hinanakit niya kay KC dahil mas lalala lang ang kanilang tampuhan.


Huwag na rin daw sanang ikumpara ni Shawie si KC sa mga anak nila ni Sen. Kiko na sina Frankie, Miel at Miguel at sabihing mas mababait ang mga ito kumpara kay KC kaya mas nakakasundo niya.


Napakasakit nito para kay KC Concepcion. Sabi nga niya, mahal niya at inirerespeto ang kanyang ina at darating ang panahon na maiintindihan din siya nito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page