KC, kahit ‘di nakatuluyan… PIOLO, “MAMA” ANG TAWAG KAY SHARON
- BULGAR

- Mar 14, 2025
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | Mar. 14, 2025

Piolo Pascual at Sharon Cuneta - IG
“Mama” pala ang tawag ni Piolo Pascual kay Sharon Cuneta (kahit hindi sila nagkatuluyan ni KC Concepcion, ha? - JDN) at nalaman ito nang mabasa ang comment niya sa post ni Mega na ipinakita ang malaking pagpayat.
Agad mababasa ang comment ni Piolo dahil pangalawa siya sa mga nag-comment.
Sa post ni Sharon na may caption na: “Today,” nag-comment si Piolo ng “So beautiful Mama (smiling emoji),” at may red heart emoji pa.
Sayang at wala pang sagot si Sharon sa comment ni Piolo, pero ang mga fans, gustong magsama sa pelikula ang dalawa. Isa sa mga comments, “Movie please with Mega or concert.”
May nag-comment din ng “Movie with Mega pls (please). Piolo and Star Cinema. Ready na kami sa isang pasabog na suspense drama!”
May nag-comment pa na puwedeng ang film company ni Piolo ang makipag-produce sa Star Cinema para lang matuloy ang wish nilang magsama sa pelikula sina Sharon at Piolo.
Speaking of Sharon, malungkot na naman ito dahil pagkatapos mamatay ang favorite pig nila sa farm na si Bacon, namatay naman ang isa sa mga fur babies nilang si Grandpa. Pet dog siya ni KC Concepcion na sa kanila nakatira for 16-17 years.
Nakakalungkot din ang post ni KC na, “Thank you for helping me give Grandpa the best life, Mama. I was busy working ‘fur mom’ at the time he came into my life and didn’t have the help I needed to fully take care of him and your house came through for us.
“Love you, Grandpa... Churo and Chica enjoyed playing with you and will love you forever sweet, wise, strong champion boy. Rest in paradise, Grandpa Love!!! Until we get to play again…”
NASA bansa ang husband ni Glaiza de Castro na si David Rainey, kaya nabiro siya ng press na magiging madali sa kanila ang magka-baby.
Nabanggit kasi ng aktres sa mediacon ng Sinagtala The Movie (STM) na ready na siyang maging nanay at ibig sabihin nito, ready na rin ang husband niyang maging tatay.
Matagal nang kasal ang dalawa at anak na lang ang kulang sa kanila at nagulat ang press sa sagot nitong ready na nga siyang magka-baby.
“Pero, nandu’n pa rin ang doubt kung kaya ko ba?”
Samantala, mabuti pala at inayos ang schedule ni Glaiza para makasama siya sa pelikula ni Director Mike Sandejas. Nang unang i-offer ni Rose Conde ang movie, ni-reject ni Glaiza dahil sa schedule. Ginagawa niya ang Sang’gre at kaya red ang hair niya ay dahil kailangan sa karakter niya sa series.
Last minute, umokey ang schedule niya, kaya natuloy sa kanya ang karakter at role ni Paola, ang keyboardist ng Sinagtala Band. Magkakaroon ng major health problem ang karakter niya at isa sa mga rason ng pagka-disband ng banda.
Sa latest post ni Glaiza tungkol sa movie, ramdam mo na naging pamilya ang cast.
Aniya, “Banda ko... Sinagtala.
“Masasabi kong espesyal ang pelikulang ito para sa akin dahil una akong naging fan ng kuwento nito. Malapit n’yo nang makilala sina June, Redgie, Isko, Paola at Carla. Sabay-sabay tayong kumanta, tumawa at umiyak sa April 2.”
Nakakatuwa ang feedback ng mga fans ng movie, excited na silang mapanood ang STM. Sana lang, hindi lang sa social media sinasabi ito ng mga fans, gawin nila para kumita. Plano ni Direk Mike na magkaroon ito ng sequel.
WALANG kapaguran si Senator Bong Revilla sa pangangampanya at kahapon, nasa Ormoc City naman siya. Kagagaling lang niya sa Singapore para makipagkita sa mga OFWs doon. Pagbalik mula sa Singapore, sumama naman sa kampanya ng Agimat partylist.
Kahapon, nasa Ormoc City si Bong at kasama niya sa float si Cong. Richard Gomez at asawa nitong si Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez. Silang tatlo ang magkakatulong na namahagi ng t-shirt, cap, atbp..
Nabanggit ni Bong sa pagharap niya sa media na halos buong Pilipinas ay napuntahan na niya dahil sa pangangampanya. Napupuri siya ng taumbayan dahil isa lang daw siya sa mga pulitiko na iniikot ang buong Pilipinas.
Mahaba-haba pa ang campaign period, marami pang mapupuntahan si Bong. Kapansin-pansin na bawat puntahan niya, marami ang sumasalubong sa kanya na mga senior citizens.





Comments