KC, isama na rin daw… GABBY AT SHARON, MAGSASAMA SA CONCERT
ni Beth Gelena @Bulgary Files | May 8, 2023

Tuloy na umano ang concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Ito ay ayon daw sa source ni Nanay Cristy Fermin.
Kasado na raw ang lahat. Matagal nang hinihintay ng mga Sharon-Gabby fans ang balik-tambalan ng dating mag-asawa.
Inaasahan ng mga fans na ang magiging special guest ng dating celebrity couple ay ang kanilang nag-iisang anak na si KC Concepcion.
Hindi man ito pelikula tulad ng inaasahan, malaking bagay na ito para sa mga Sharonians.
Sabi nga ni 'Nay Cristy sa programa niyang Showbiz Now Na!, "Alam n'yo po, may impormasyon na nakarating sa amin na isang araw, mapapanood na po natin ang dating mag-asawang sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion pero hindi po sa serye, hindi rin po sa pelikula kundi sa isang concert po."





Comments