top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

KC, INAWAY ANG PAMILYA PARA SA SWISS BF

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 5, 2023
1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 5, 2023



Unti-unti nang lumalabas ngayon ang dahilan ng hindi pagkakaintindihan ni KC Concepcion at ng kanyang pamilya na umano’y naging dahilan ng pag-unfollow niya sa Instagram sa stepdad niyang si Kiko Pangilinan at sa half-sister na si Frankie Pangilinan.


Sa latest episode ng Cristy Ferminute online program ni Cristy Fermin ay napag-usapan nila ng co-host niyang si Romel Chika ang tungkol dito and briefly ay nasabi niya kung ano ba talaga ang puno’t dulo ng pag-aaway ni KC at ng kanyang pamilya kasama na ang ina nitong si Sharon Cuneta.


Ayon kay ‘Nay Cristy, hindi pabor ang mag-asawang Sharon at Kiko sa bagong boyfriend ni KC.


"Lipat tayo du’n sa umiigting na usapin ngayon na isa raw po sa dahilan kung bakit in-unfollow ni KC itong mag-asawa ay dahil hindi sila pabor sa boyfriend na banyaga ngayon ni KC," pagbubuking ni ‘Nay Cristy.


Ayon pa sa batikang manunulat, hindi raw dapat panghimasukan ng magulang ang anak sa gusto nitong mahalin.


"Wala pong ibang makapagbibigay ng kaligayahan sa isang nagmamahal na anak, kundi ang kanyang boyfriend na nagmamahal din sa kanya.


“At hindi dapat panghimasukan, wala silang magagawa. Walang-wala talaga, ‘di ba?” sey ni ‘Nay Cristy.


“At saka sa pag-alala ko, sa lahat ng pakikipagrelasyon ni KC, walang pinintasan si Sharon," she added.


Matatandaang kinumpirma ni KC kamakailan ang pag-unfollow niya kina Kiko at Frankie pero hindi na niya idinetalye kung bakit. Ang tanging sinabi lang ng dalaga ay hindi siya perpekto at ginagawa naman niya ang lahat para maging mabuting anak at ate.


Sa ngayon ay wala pang pahayag si Sharon tungkol sa isyung ito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page