Kayang-kaya nang mag-solo… DANIEL AT KATHRYN, 'DI NA KAILANGAN ANG ISA'T ISA
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 27, 2023

Hindi na gaanong uso ang love team ngayon sa showbiz, although may market pa rin naman ito.
Pagkatapos ng halos tatlong taon ng COVID pandemic, nagbago na ang senaryo at hindi na gaanong excited ang publiko sa mga love teams, lalo na't matagal na walang nag-produce ng pelikula.
Kani-kanyang diskarte na ang mga artista, bagama't may ilan pa rin namang nakakapit sa dati nilang ka-love team.
Meron namang iba na ninais munang mag-solo at sumubok kung paano makaka-survive ang kanilang career.
Sa mga artistang sumikat na may ka-love team pero nag-risk na pumareha muna sa iba, isa si Kathryn Bernardo sa mga nagtagumpay. Pagkatapos ng movie nila ni Alden Richards, ang Hello, Love, Goodbye, napatunayan ni Kathryn na puwede na siyang kumawala sa love team nila ni Daniel Padilla.
At ngayon, tiyak na marami ang maninibago sa kanyang character sa A Very Good Girl kasama si Dolly de Leon. Level-up na nang husto ang career ni Kathryn bilang aktres.
Si Daniel naman, una na ring gumawa ng movie na 'di kasama si Kathryn. Ito ay sa Kun Maupay Man It Panahon kung saan nakasama naman ni DJ si Ms. Charo Santos. Umani ng maraming parangal ang naturang pelikula nina Daniel at Charo, bagama't hindi ito kumita nang malaki sa box-office tulad ng movie nina Kathryn at Alden.
May naka-line-up ding gawing movie si Daniel na si Zanjoe Marudo naman ang kanyang makakasama.
Kung parehong kikita ang movie nina Kathryn at Daniel kahit hindi sila ang magka-love team, masasabi nga nating hindi na nila kailangan ang isa't isa at kering-keri na nilang mag-solo at tawaging mga established actors and actresses ng industriya.





Comments