Kaya wala raw leading men na nanligaw sa kanya…SIGAW NI BEA: 'DI AKO LUMANDI SA TRABAHO
- BULGAR

- Mar 13, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | March 13, 2021

Maganda ang naging interview ni Ethel Booba kay Bea Alonzo dahil hindi na nag-touch sa past relationship ng aktres kay Gerald Anderson. Mas napag-usapan ang experience ni Bea noong extra pa lang siya sa mga TV shows at movie.
Naikuwento rin nito na there was a time na walang pambayad sa tuition fee ang kanyang kapatid, kaya kailangan niyang magsikap.
Isa pang itinanong kay Bea ay kung sino ang mga naging leading men niya na nanligaw sa kanya. 'Kaaliw ang sagot ni Bea na walang nanligaw sa kanya. Siguro raw ay dahil hindi siya mahilig maglandi sa trabaho.
Natanong si Bea tungkol kay Zanjoe Marudo at nilinaw nitong nagkasama sila sa isang episode ng MMK pero ilang taon pa ang lumipas bago sila nagkaroon ng relasyon.
Ang tungkol naman sa kanila ni Dominic Roque, wala pa silang inaamin, pero marami ang pabor sakaling magkarelasyon man sila. May ilang ayaw, pero wala naman silang magagawa kung si Bea na ang magdesisyon.
Puna ng mga netizens, ang linis ng interview kay Bea, hindi sumakay sa controversy nina Gerald at Julia Barretto.





Comments