Kaya tumagal ang relasyon… RONNIE, UMAMING TODO-TIIS SA TOPAK NI LOISA
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 20, 2022

"What you see is what you get" ang tingin namin sa Kapamilya star na si Ronnie Alonte based on how he presents himself to the entertainment press.
From his “porma” na mala-international model, hanggang sa pagsagot niya nang diretso sa controversial questions na madalas pa nga ay nag-o-over share ang on-and-off-screen partner ni Loisa Andalio sa interview, gaya na lang sa grand finale mediacon ng kauna-unahang teleserye nila, ang Love in 40 Days.
Super-tsika si Ronnie tungkol sa future plans nila pagkatapos nilang umabot ng anim na taon as real-and-reel love team.
“Siguro, nandoon na kami sa punto na ano, nakikita naming stable na kami. Masayang family na kami. Kasi ngayon pa lang po, nag-i-start na kami kung ano ba ‘yung makakapag-establish sa buhay namin. So, anytime, ayun, ten years magandang buhay, magandang family na masaya, kaya excited na ako,” pag-o-open-up ni Ronnie sa tatakbuhin ng relasyon nila ni Loisa.
Ini-reveal din ni Ronnie na may mga businesses na rin sila na naitayo ni Loisa. In fact, puro papuri ang natanggap ng dalawa tungkol sa mga produkto ng business nila.
At bukod sa negosyo, nakapagtayo na rin ng kani-kanyang bahay sina Loisa at Ronnie na later on ay posibleng maging tahanan nila and their kids in the future.
Tinanong namin si Ronnie kung naniniwala ba siya na sa lalaki talaga ang pagdadala ng isang maganda at mahabang relasyon.
“Sa totoo lang, naniniwala ako d’yan. Ako naman mismo, buhat bangko. Yes, naniniwala ako.
Alam naman namin ang nagiging topak ng babae lalo na kapag meron sila, “kaarawan” nila.
So, tayong mga lalaki, kailangan nating intindihin ‘yun. Hanggang saan ba ang kaya mo lalo na pagdating sa mga ano nila… may pitik ‘yan, lahat ng mga babae,” esplika ni Ronnie.
Samantala, thankful and grateful sina Loisa at Ronnie sa tiwalang ibinigay sa kanila ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment para magbida sa Love in 40 Days.
Inamin din nila na ang dami-dami nilang natutunan sa paggawa ng first serye nila — professional and personal.
Pakatutukan ang “pamatay na ending” sa huling dalawang linggo ng Love in 40 Days gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC at Kapamilya Online Live sa YouTube Channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.





Comments