Kaya todo-tampo... VICE, IBINULGAR NA BIGLA SILANG NILAYASAN NG DIREK NG IT'S SHOWTIME
- BULGAR

- Feb 9, 2021
- 3 min read
Julie Bonifacio - @Winner | February 9, 2021

Isiniwalat na ni Vice Ganda ang tunay niyang damdamin sa paglisan ng kanilang direktor sa It's Showtime na si Bobet Vidanes.
Seryoso ang naging usapan ni Vice at mga kasamahan din sa It's Showtime na sina Ryan Bang at Ion Perez habang nasa loob ng sauna ng komedyante sa kanyang magarbong bahay.
Ito ang laman ng latest video na naka-upload sa YouTube channel ni Vice Ganda na may 4.55M subscribers.
Habang ang video na may pa-game na pinamagatang Sino Ang at Ano Ang sa content ay may 1.2M views agad after 19 hours, may 56K likes and 663 dislikes.
May series of questions si Vice kina Ryan at Ion tungkol sa mga kasamahan nila sa It's Showtime. At sa panghuli, tinanong ni Vice ang dalawa kung ano ang naramdaman nu'ng umalis si Direk Bobet sa It's Showtime.
Unang sumagot si Ion, "Nagulat. Nanghinayang na medyo nagtatampo siyempre."
Sagot naman ni Ryan, "Ako, siyempre na, ang sakit. Tapos siyempre, naiyak ako. Siyempre, tatay natin 'yun, eh, 'di ba? Tatay natin sa show. Dapat walang iwanan. Kasi siyempre, isang pamilya tayo. Kaya nga nasaktan ako."
Sunod na tanong ni Vice sa kanila ay kung na-offend sila sa ginawa ni Direk Bobet na paglisan sa show.
"Hindi naman ako na-offend. Kasi, tinry ko rin talaga lahat para maintindihan ko 'yung side ni direk," tugon ni Ryan.
Ang side raw ni Direk Bobet na naintindihan ni Ryan ay ang pinagdaraanan nito sa pera.
"Kasi ako, wala naman akong totoong anak. So, baka kung nahihirapan talaga sa pera... siguro? Pero siyempre, nakakaiyak talaga. Nakakalungkot," esplika ni Ryan.
Ang alam ni Ryan, kailangan daw ni Direk Bobet ng pera dahil maraming kailangang bayaran.
Pagkatapos, si Ryan naman ang nagtanong kay Vice kung ano ang naramdaman niya nu'ng nalamang nag-resign na sa It's Showtime si Direk Bobet.
“Siyempre, nagulat," bulalas ni Vice. "Wala namang nakakaalam. Wala rin namang... ewan ko kung walang nakakaalam. Hindi ko alam kung alam n'yo o hindi."
Nagkausap-usap pala ang mga hosts ng It's Showtime pagkatapos mabalita na nag-resign na si Direk Bobet. At lahat sila ay nagsabi na hindi alam ang ginawa ng kanilang direktor.
Nagulat daw si Vice at tinext niya si Direk Bobet para mag-usap sila at maintindihan niya ang rason nito.
“Hindi niya ako sinagot. Hindi niya ako sinagot," malungkot na sabi ni Vice.
Dagdag niya, kung kinausap lang siya ni Direk Bobet, "Kung may pinagdaraanan siya noon, baka nakagawa tayo ng paraan.
"Pero 'yun lang din 'yung nakaka…ANG PLASTIK 'PAG SINABING HINDI AKO NA-OFFEND.
“Parang naloka rin ako. Parang… ano 'yun? Ganu'n lang? Walang sabi-sabi.
“After 11 years, nanggaling pa 'yun sa anniversary na... meron pa tayong mga tsikang 'Walang iwanan kahit ano'ng mangyari' doon sa opening, 'di ba?
"May mga ganu'n-ganu'n tayo. Tapos, right after or a few days after the anniversary, biglang meron tayong maririnig na parang, 'Ano'ng nangyari sa pangako?' 'Yun lang," diin pa ni Vice.
Hindi alam ni Vice kung paano idya-judge si Direk Bobet dahil hindi naman daw niya alam kung ano ang gusto niyang sabihin.
Humingi pa raw si Vice ng tulong at nakiusap sa mga kasama niyang host sa It's Showtime para mapigilan si Direk Bobet at mag-stay sa show.
Sa ngayon, imposible raw na hindi nila ma-miss si Direk Bobet dahil naiisip pa rin niya ito.
Wish na lang ni Vice ay okey ang dati nilang direktor.
"Sana okey siya kung anuman ang kinahinatnan ng desisyon niya. Sana, okey siya. Ayun lang," sambit pa ni Vice
Sa huling bahagi, pinuri niya ang It's Showtime.
"Ang daming pinagdaanan ng (It's) Showtime. Pero kahit ano pa ang mangyari d'yan, ang ganda-ganda ng bahay na 'yan, 'di ba?
"At kaya lalo siyang maganda kasi ang dami niyang pinagdaanan. Parang pinaganda siya lalo nu'ng mga pinagdaanan niya. Pinaganda siya ng peklat niya. Kumbaga, 'yung scars niya ang bumuo sa kanya at lalong nagpaganda sa kanya," lahad pa ni Vice.
True.





Comments