top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kaya todo-rampa... HEART, NA-TRAUMA NANG MAKUNAN, 'DI PA GAME MAGBUNTIS ULI

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 3, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 3, 2022



Hindi totoong ayaw nang magbuntis at magkaanak ng Kapuso actress na si Heart Evangelista. In fact, nag-undergo nga siya ng IVF procedure kung saan naka-preserve ang kanyang egg cells na puwede niyang i-avail kung kailan niya gustong magbuntis.


Pero sa kanyang sitwasyon ngayon, at sa sobra niyang kaabalahan, hindi niya mabibigyan ng panahon ang pagiging mommy. Hindi pa ngayon ang tamang panahon dahil nakatutok siya sa kanyang career at mga negosyong pinasok.


May ilang malalapit namang kaibigan si Heart ang nagsasabing hindi pa ito nakaka-move on sa masakit na kabanata na kanyang pinagdaanan. Ito ay noong makunan siya sa ipinagbubuntis niyang kambal na anak nila ni Sen. Chiz Escudero.


Hindi lang physical na sakit ang naranasan ni Heart kundi malalim na emotional pain.


Sobra siyang na-depressed noon ganu’n din si Sen. Chiz. Matagal bago sila parehong naka-move on sa nangyari.


Kaya ‘yun ang dahilan kaya ayaw munang magbuntis muli ni Heart. Natatakot siyang maulit muli ang nangyari sa kanyang nawalang kambal. Isa ‘yung bangungot sa kanyang buhay na mahirap kalimutan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page