Kaya todo-post sa socmed… KALAT NA: PERA AT BABAE, DAHILAN NG HIWALAYANG KYLIE AT ALJUR
- BULGAR

- Feb 25, 2021
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 25, 2021

Kalat na kalat na nga sa apat na sulok ng showbiz ang balitang hiwalay na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.
Apat na taon din silang nagsama at nagkaroon ng dalawang anak na lalaki, sina Alas Joaquin at Axl Romeo.
Two years pa lang na kasal sina Kylie at Aljur at akala ng lahat, tuluy-tuloy na ang masayang pagsasama nila bilang mag-asawa. Marami nga ang humanga noon dahil nagawa nilang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan.
Tinutulan kasi noon ni Robin Padilla ang relasyon ng kanyang anak kay Aljur, pero mahal na mahal ito ni Kylie at walang nagawa si Binoe upang sila ay paghiwalayin.
Marami lang ang nanghihinayang dahil maganda na sana ang takbo ng career ni Kylie nang magbuntis siya kay Alas Joaquin. Nasa Encantadia pa siya noon at isa sa mga Sanggre.
Pero, nang hindi na niya maitago ang kanyang ipinagbubuntis, no choice siya kaya nawala ang kanyang karakter sa nasabing fantaserye.
Masama man ang loob ni Robin Padilla ay inunawa niya ang anak. Kasal lang ang hiniling ni Binoe kay Aljur na natupad naman kaya napanatag ang loob niya.
Pero ngayong nababalitang naghiwalay na sina Kylie at Aljur, gustong alamin ni Robin kung ano ang naging problema ng mag-asawa.
Base kasi sa mga posts ni Kylie sa kanyang Instagram account, marami itong hugot sa kanilang paghihiwalay ni Aljur. Bagama't wala pang malinaw na detalye kung ano ang ugat at tunay na dahilan, may ilang nagsasabi na pera at may tsika ring may third party involved sa parte ni Aljur.
Kaya, nag-aabang ngayon ang sambayanan sa magiging reaction at pagtanggap ni Robin sa diumano'y hiwalayan ng anak at mister.
For sure, hindi papayag si Binoe na madehado at maapi si Kylie. At may dapat na ipaliwanag sa kanya si Aljur.





Comments