top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kaya todo-paasa, walang pinakasalan, Solenn, Angelica at Andrea…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 16, 2020
  • 1 min read

DEREK, PURO PANG-SHORT-TIME LANG ANG TINGIN SA MGA BABAE SA SHOWBIZ

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 16, 2020




Nalalabuan kami sa naging pahayag ni Derek Ramsay sa kanyang latest interview sa DZRH program ni Morly Alinio. Du'n niya nilinaw na hindi totoo ang akusasyon sa kanya na hindi siya marrying type.


Gusto raw niyang magkaroon ng matatag na pamilya tulad ng nakita niya sa kanyang parents. Kaya naman naging maingat siya sa pagpili ng babaeng pakakasalan.


Takot siyang magkamali at magsisi na mauuwi lang sa hiwalayan. 'Yun siguro ang dahilan kaya kahit naka-ilang girlfriends na siyang artista ay hindi nga nauuwi sa kasalan ang relasyon niya.


Artista si Derek at nasa mundo ng showbiz. Mahirap daw ditong makahanap ng babaeng pakakasalan. At nagtataka nga siya kung bakit may mga showbiz couples na nagpapakasal at tumatagal ang pagsasama.


Well, kung ganu'n pala ang paniniwala ni Derek na mahirap makatagpo ng artistang puwede niyang pakasalan, bakit pa siya nakikipagrelasyon sa kapwa artista kung hindi siya seryoso at walang balak pakasalan ito tulad ng ginawa niya kay Andrea Torres?


Non-showbiz girl pala ang kanyang ideal wife, bakit kailangan pang magpaasa siya sa nakakarelasyong artista?


Unless, papayag nga sa gusto niyang setup na live-in lamang at walang aasahang kasalan tulad ng nangyari kina Solenn Heussaff at Angelica Panganiban.


At least, si Andrea ay hindi umasa at nagpakamartir sa piling ni Derek. Deserve naman kasi ni Andrea na pakasalan at maging legal wife. After all, she's a better woman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page