top of page
Search
  • BULGAR

Kaya todo-live selling online… MARIEL, 'DI BINIBIGYAN NG DATUNG NI ROBIN PAMBILI NG DAMIT

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 12, 2024



Showbiz Photo
File photo: Mariel Rodriguez Padilla at Robin Padilla

Likas na mahilig si Mariel Rodriguez sa mga branded na bags and shoes, kaya naman ang sipag niya sa kanyang live selling upang kumita ng sariling pera at mabili ang mga bagay na gusto niya. Tuloy pa rin ang kanyang steak business. 


Sa kanilang married life ni Sen. Robin Padilla, maliwanag ang kanilang set-up pagdating sa money matters. Ang lahat ng gastusin/bills tulad ng kuryente, tubig, groceries at sweldo ng mga kasambahay ay sagot ni Sen. Robin. Pero ang mga branded na gamit ng kanyang wifey na si Mariel, wala siyang budget na ibinibigay. Si Mariel na ang gumagastos sa personal niyang mga gamit at sa mga damit ng kanilang mga anak. 


Well, so far ay wala namang reklamo si Mariel Padilla kung hindi siya binibilhan ng kanyang mister ng mga branded na gamit.


Afterall, may sarili siyang pera at hindi nakadepende kay Sen. Robin Padilla.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page