top of page
Search
  • BULGAR

Kaya todo-kayod, Annabelle… SARAH, AYAW UMASA SA SUSTENTO NI RICHARD

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Abril 3, 2024




Akala namin ay suplada sa personal si Sarah Lahbati dahil sosyal ang image niya, pero nagkamali kami dahil accommodating at madali naman palang kausap ang aktres.


Natuwa nga kami kahapon kay Sarah dahil maayos niyang sinagot after ng mediacon ng comeback serye niyang Lumuhod Ka sa Lupa sa TV5 ang latest issue sa kanya matapos kumalat ang picture niyang may kasamang lalaki sa Hong Kong.


Hinarap ni Sarah ang press people at diretsahang ipinaliwanag kung sino 'yung guy na kasama  niya sa isang resto sa HK.


"Yeah, I was in Hong Kong for Art Puzzle with different friends and 'yung photo na nakita n'yo is one of my friends. As simple as that. 


"Art Puzzle, I've always wanted to visit and check out and I'm happy that I've made my dream come true," with all-smiles pang sabi ng aktres na todo-diing single kasi siya ngayon kaya 'di na siya nagtataka kung ginagawang big deal ng iba kapag may nakitang ibang kasama niya.


Nagbabalik-showbiz si Sarah after almost 8 or 10 years daw yatang nagpahinga siya mula nang magkaroon ng sariling pamilya.


Bagama't kae-expire lang daw ng kontrata niya sa Viva kahapon na kausap namin siya, up for renewal naman daw ito lalo't kailangan niyang mag-work para makapag-provide para sa dalawang anak na sina Zion at Kai.


Ipinalinaw namin kay Sarah ang statement niya dahil baka isipin ng iba na hindi nagsusustento si Richard Gutierrez sa dalawang bata.


Sagot lang ni Sarah, "I am working so I can provide for my kids."


Hindi niya nire-require si Richard?


"I'd rather not talk about," ang naka-smile na pag-iwas ni Sarah sa tanong.


At least, maayos naman yata ang co-parenting nila ni Richard sa dalawang bata at pareho namang hindi pinababayaan ng kani-kanilang pamilya sina Zion at Kai kapag pareho silang may work ni Richard.


Anyway, mala-Angelina Jolie (with signature pout lips) ang tingin namin kay Sarah sa ilang scenes niya sa Lumuhod Ka sa Lupa na pinagbibidahan ni Kiko Estrada at magsisimula na sa April 8, 2:30 PM sa TV5 after Eat… Bulaga!.


In fairness, parang 'di naman kinalawang si Sarah sa pag-arte kahit matagal siyang napahinga. 


Kasama rin sa cast ng Lumuhod Ka sa Lupa na mula sa obra ni Carlo J. Caparas sina Rhen Escaño, Sid Lucero, Gardo Versoza, Mark Anthony Fernandez, Bart Guingona, Jeric Raval, Jeffrey Hidalgo, JC Tiuseco, Andre Yllana, Andrew Muhlach at Ana Abad Santos, mula sa direksiyon nina Albert Langitan at Roderick Lindayag.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page