ni Ambet Nabus @Let's See | February 17, 2024
Nang-uurot o nang-iinis daw ba si Xian Lim kay Kim Chiu at mga followers nito nang isapubliko nito ang mga larawan last Valentine's Day kasama ang nali-link ditong si Iris Lee?
Of all the timing daw kasi, eh, bakit nu'ng V-Day pa ito ginawa?
Kaya ang basa ng mga fans ni Kim nang maiyak ito that same day sa It's Showtime, "Affected pa rin."
At kahit nakatanggap daw ito ng bouquet of flowers mula kay Paulo Avelino na nag-note pa ng "Hindi baleng wala kang boyfriend, may flowers ka naman," ay nakita pa rin kay Kim ang kalungkutan at tila epekto ng ginawa ni Xian.
May mga nagsasabing "hopia" pa rin si Kim kahit maging friends man lang sila ni Xi. May mga nagpapayo naman ditong tuluyan na nitong kalimutan at huwag nang magkaroon ng anumang kaugnayan sa aktor at i-entertain na lang daw si Paulo.
Hay, kaya naiiyak si Kim, eh, ang daming nangingialam, hahaha!
Comentários