top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kaya todo-iyak… HIPON GIRL, NAGHIRAP NANG MAWALA KAY WILLIE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 28, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 28, 2021



Hindi mapigilan ni Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl ang maiyak at maging emosyonal nang ma-interview ni Toni Gonzaga para sa kanyang vlog na Toni Talks.


Dito ay ikinuwento ni Herlene kung paano naubos ang kanyang inipon para maka-survive ang kanyang pamilya sa panahon ng COVID pandemic.


Siya lang ang inaasahan ng kanyang pamilya at ng kanyang lolo at lola na nagpalaki sa kanya.


Dahil sa pandemya ay nahinto rin ang pagiging co-host ni Herlene kay Willie Revillame sa Wowowin. At hindi nga niya napaghandaan ang pandemya. Naging kampante siya at hindi niya inasahan na mawawala ang mga trabaho na dati niyang pinagkakakitaan.


At upang may panggastos sa mga pangangailangan ng kanyang pamilya, umabot na si Hipon Girl sa puntong nagbenta siya sa online ng kanyang mga preloved na damit atbp. gamit.


Ang maliit na negosyo na kanyang itinayo ay hindi rin kumita! Kaya ngayon, kailangan niyang maghanap ng trabaho dahil said na said na siya. Back to zero na ang kanyang financial status.


Ayaw namang maniwala ng mga tao na kapos siya sa pera dahil dati siyang co-host ni Willie Revillame sa Wowowin. Pero, hindi nga ikinahihiyang sabihin ni Herlene Budol ang kanyang pinagdaraanan at tunay na kalagayan sa buhay. Hindi siya basta susuko sa mga pagsubok ng buhay. Idinadaan na lang niya sa pagko-comedy ang kanyang mga problema.


May pangako naman si Toni Gonzaga kay Hipon Girl na ang kikitain ng kanyang vlog ay ibibigay niya rito.


And for sure, hindi rin matitiis ni Willie si Hipon Girl at kanyang tutulungan at bibigyan ng financial assistance.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page