Kaya tikom ang bibig… RIA, AYAW UNAHAN SINA ARJO AT MAINE SA KASAL
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 20, 2023

Excited na si Ria Atayde sa nalalapit na kasal ng kuya niyang si Arjo Atayde sa fiancée nitong si Maine Mendoza.
“Of course, definitely! I’m gonna have a sister-in-law!” masaya niyang wika nang makatsikahan namin sa media launch niya as the newest Calendar Girl of White Castle Whisky.
Sa ngayon ay hindi pa ina-announce nina Arjo and Maine ang date at detalye ng kasal at ayon kay Ria ay ayaw niya itong pangunahan.
“Hindi po ako nakikigulo sa mga plano,” natatawa niyang sabi. “Napag-uusapan naman po pero again, it’s their story to tell. I don’t want to be the one that breaks the news about the information on their wedding. That’s something I’ve always been very respectful.”
Nagkabiruan nga na kung ikakasal this year sina Arjo and Maine, ibig sabihin ay hindi pa sila puwedeng pakasal ng boyfriend niyang si Zanjoe Marudo dahil sukob sila sa taon.
Naniniwala naman daw sila sa ‘sukob’ at wala silang balak pa talaga sa ngayon.
“Wait lang, ang dami pang work,” natatawa niyang sabi.





Comments