Kaya tiis-tiis muna… BEA, ‘NAKATALI’ NA KAYA ‘DI MAPAKASALAN NI DOMINIC
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 18, 2022

Isa-isa nang nagpapakasal at nagkakaroon ng sariling pamilya ang malalapit na kaibigan ni Bea Alonzo tulad nina Dimples Romana, Angel Locsin, Anne Curtis at Angelica Panganiban.
Sina Dimples at Anne ay may asawa’t anak na. Si Angel ay kasal na rin kay Neil Arce. At si Angelica naman ay buntis na sa BF niyang si Gregg Homan.
Si Bea, bagama’t two years na ang relasyon nila ng BF niyang si Dominic Roque ay wala pang planong magpakasal sa taong ito (2022).
Katatanggap pa lang ni Bea ng mga bagong endorsements at may pelikula at TV show pa siya na dapat gawin at tapusin.
Nag-umpisa na siyang magteyping ng Pinoy adaptation ng Koreanovelang Start Up katambal si Alden Richards at kasama sina Yasmien Kurdi at Jeric Gonzales. May movie rin siyang gagawin.
Kaya gustuhin man nina Bea at Dominic na planuhin ang kanilang kasal ay hindi pa nila magagawa hangga’t hindi pa niya natatapos ang kanyang mga tinanggap na commitments.
Kaya naman, pressure para kay Bea kapag tinatanong na siya ng kanyang mga beshies kung kailan na siya magpapakasal.
Bea is 35 yrs. old now kaya inaapura nang mag-asawa ng kanyang mga kaibigan, lalo na’t natagpuan na niya ang kanyang the one na si Dominic Roque.





Comments