Kaya stop na… SEN. VILLAR, LUGI SA SHOW NINA TONI, MARIEL, CIARA AT RUFFA
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Febuary 6, 2023

Hindi napigilan ni Willie Revillame ang magdamdam at masaktan sa mga masasakit na komentaryo ng mga bashers sa pagkakatigil ng ilang shows ng AllTV Network at kasama na rito ang game show niyang Wowowin.
Mahihinto na rin ang show ni Toni Gonzaga at ang M.O.M. hosted by Ruffa Gutierrez,
Mariel Rodriguez and Ciara Sotto.
Balitang ire-reassess muna ang programming ng AllTV. Pansamantala ay mga lumang pelikula muna ang mapapanood sa nasabing network.
Mabigat para sa Wowowin host na si Willie ang nasabing pangyayari, lalo na’t ibinuhos niyang lahat ang kanyang panahon upang makatulong sa pagsisimula ng AllTV.

Malaking hamon ‘yun para kay Revillame pero tinanggap niya.
Ang tanging ikinasasama lang ng loob ni Willie ay ang pagbatikos ng ilang bashers sa halip na makisimpatya. May ilan pa na tila natutuwa pa na nawalan ng trabaho ang mga staff at artists ng AllTV.
Kung tutuusin, maganda naman ang layunin ng network ni Manny Villar. Gusto niyang magbigay ng magagandang shows at tulungan ang mga artistang nais magkaroon ng shows.
Pero sabi nga, “business is business”. Bilang negosyante, pinag-aaralan pa rin ni Manny Villar ang tamang diskarte sa pamamalakad ng isang TV network. Hindi naman puwedeng labas na lang nang labas ng puhunan at walang pumapasok na income.
Ganunpaman, magkakaroon daw ng relaunching ang AllTV sa Abril and hopefully, handa na rin ang ibang programa ng network.





Comments